• April 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gross negligence lang ba ang kayang i-demanda kay ex speaker Romualdez? Totoo bang hindi pwede ma-compel si ex Cong ng QC na mag “Tell All”?

DALAWANG pahayag ng Ombudsman ang nakakabahala. Una ay ang pahayag na “possible raw na maidemanda si Romualdez ng “GROSS INEXCUSABLE NEGLIGENCE FOR HIS PURPORTED ROLE IN THE APPOINTMENT OF FORMER AKO BICOL REP. ELIZALDY ZALDY CO AS THE HEAD OF THE APPROPRIATION COMMITTEE AND THE LATTER’S CONNECTION TO THE ANOMALOUS FLOOD CONTROL PROJECTS.

Kung mga tuta lang ni Romualdez ang magsasabi ng ganito ay mauunawaan ko. Pero kung galing sa Ombudsman na siyang magpapasya kung sino ang kakasuhan sa husgado at kung anong kaso ang isasampa sa mga kasabwat sa flood control projects ay nakakabahala ito.

Aba’y hindi pa nga nagsisimula ang preliminary investigation may premature declaration na siya! Paano kung sa mga testimony ng mga nirerekomenda ng ICI na kasuhan ay bangitin nila na may kinalaman si Romualdez? Paano kung mismo si Zaldy Co ang magsabi niyan?

Gross negligence pa rin ba? At anong kaso ba yan – Gross Negligence Resulting to Plunder – na yan kung meron mang ganun.

Napakadaling lusutan ni former Speaker yan at sasabihin na anong kapabayaan niya eh buong House of Representatives ang pumayag na si Zaldy Co ang Chairman ng Appropriations. MALAMYA, DI BA?

At heto pa — ayon sa isang Spokesman hindi daw pwede pilitin ang dating Quezon City Congressman na mag “tell all”.

Hindi daw pwede sya i-intimidate or to coerce him.

Aba’y wala naman nagsabi na dapat i-coerce or takutin si Cong para magsalita pero maaaring ma subpoena si ex-Cnong. Mismo si Ombudsman ang nagsabi sa media nyan na may mag te-tell all nga. So bakit hindi niya ipatawag? Wala ba sa kanyang kapangyarihan yun?

Sa Ombudsman Act ( RA NO. 6770) ay maari ma subpoena si ex Cong. Ibig bang sabihin ni Spokesman pag nag-issue ng subpoena sa isang maaaring magbigay ng liwanag sa imbestigasyon ay pananakot na yun? O ayaw na lang nyo dahil baka may masabi si ex Cong na hindi aangkop sa “Gross Negligence” theory na kasong direksyon ng Ombudsman.

At kung sakaling ipagpalagay na natin na may inexcusable Gross Negligence Resulting to Plunder si former Speaker, paano naman yung pumirma ng national budget kung saan nandun ang ang appropriations ng flood control projects? Gross negligence resulting to plunder din ba yun dahil hindi niya gaanong napagaralan ang national budget? ‘Yun nga lang may immunity from suit hangga’t nakaupo siya.