• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaligtasan ng mga estudyante sa loob ng kanilang classrooms, pinasisiguro ng mambabatas

PARA sa mas ligtas na classrooms, hinikayat ng isang mambabatas ang Department of Education, Commission on Higher Education, at DPWH na iimprove ang kanilang regulatory minimum standards sa design, specifications, construction, and safety ng classrooms at school buildings.

Ayon kay BH Partylist Rep. Robert Nazal, dapat siguruhing matatag ang mga classrooms at school buildings para kayanin ang pagtama ng bagyong may signal No. 4, Magnitude 8 na lindol at matinding pagbaha.
Tanging mga magagling at propesyunal na builders ang dapat pagkatiwalaang gumawa ng mga pasilidad kung saan nag-aaral ang mga bata at nagtatrabaho ang mga guro.
“Hindi dapat sa mga under-capitalized proprietorships at kumpanya ina-award ang kontrata,” anang mambabatas.
Maaari ring iimprove ang National Structural Code of the Philippines.
Magagawa ito nsng hindi na kailangang magpasa ng batas.
Ilang contractors, lalo na ang mga nagtatayo ng high-rise condominiums ay maaaring magpatupad ng mas mataas na standards kumpara sa minimum standards of law and regulations.
“Dapat itaas ng DepEd at CHED ang kanilang standards. Ipagkatiwala lamang sa mga pinakamahusay at may kredibilidad na contractor sa pribadong sektor ang paggawa ng mga silid-aralan. Huwag ibigay sa DPWH o sa mga fly-by-night na contractors gumagamit ng maliliit na pako at turnilyo sa bubong at bintana. Lalong huwag sa mga contractor na gumagamit ng malabnaw na semento, maninipis na bakal, at marurupok na yero para sa mga pader, sahig, bubong, at pundasyon,” dagdag pa ng kongresista.
Bistado sa inspection ng DepEd at DPWH na napakababa ng kalidad ng pagkakagawa ng ilang nasirang silid-aralan at gusali.
Marami sa mga ito ang bumigay dahil sa lindol, baha, at malalakas na bagyo.
Kitang-kita rin aniya ang kawalan ng maayos na drainage at perimeter protection laban sa pagbaha.
(Vina de Guzman)