Sen. Bam Aquino, ginawaran ng Honorary Degree ng PLM
- Published on October 30, 2025
- by @peoplesbalita
GINAWARAN ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) si Senator Bam Aquino ng Doctor of Education, honoris causa sa kanilang 57th Commencement Exercises nitong Miyerkules, Oktubre 29 kung saan siya ang guest of honor.
Sa naturang seremonya, nagpahayag si Aquino ng suporta sa four-point development strategy ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na nakatuon sa edukasyon, kalusugan, pabahay, at trabaho.
Ayon kay Aquino, tugma ito sa kanyang mga adbokasiya sa Senado gaya ng pagpapalakas sa Free College Law at sa panukalang Classroom-Building Acceleration Program (CAP) upang matugunan ang kakulangan sa silid-aralan.
Giit naman ni Mayor Isko, mananatiling pangunahing prayoridad ng lungsod ang edukasyon at kalusugan, kabilang ang plano niyang itayo ang PLM College of Medicine and Allied Health Sciences.
Parehong naniniwala sina Aquino at Moreno na ang edukasyon ang susi sa pag-unlad at pagkakapantay-pantay sa Maynila (Gene Adsuara)