ASEAN, hindi magpapadala ng observer sa Myanmar election- PBBM
- Published on October 30, 2025
- by @peoplesbalita
HINDI magpapadala ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng isang observer sa Myanmar elections sa Disyembre.
Sa pagsasalita sa mga mamamahayag matapos ang kanyang naging partisipasyon sa 47th ASEAN Summit and Related Summits sa KUALA LUMPUR, Malaysia, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang usapin ng pagpapadala ng monitoring team ay masusi at maingat na pinag-usapan sa high-level gathering.
“I think what’s happened is ASEAN is leaving it to each country to decide on their own. ASEAN will not take a common position.
Because in our discussions, everyone has a different idea,” ang sinabi ng Pangulo.
“So, we will have to decide for the Philippines what it is that we think we should do. We will watch other countries to see what they should do,” aniya pa rin.
Kumpiyansa naman ang Pangulo na makabubuo ng isang consensus ang mga bansa sa kung ano ang gagawin sa Dec. 28 kung saan naka-iskedyul ang eleksyon.
Hindi naman idinetalye ng Pangulo kung magpapadala ang Pilipinas na sarili nitong observer o kung nakaayon ito sa posisyon ng bloc.
“[I]t would be much preferable if ASEAN moves as one,” aniya pa rin.
Ibinahagi naman ng Pangulo na mayroong iba’t ibang opinyon sa hanay ng ASEAN member states, “but the differences are not enormous.”
“I think that if we talk about it some more, we will find a common ground as to what to do. What that is, I cannot predict,” anito.
Sa ulat, nalublob sa kaguluhan ang Myanmar nang magsagawa ng kudeta ang military at pinatalsik ang democratic government noong February 2021.
Sa 15th ASEAN-United Nations Summit nito lamang Oct. 27, sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres na “appalled by the deplorable situation” sa Myanmar, sabay sabing ang military takeover ay mayroong “piled calamity upon calamity” sa bansa.
“Villages bombed or burned. Thousands killed. Millions displaced. Regional stability at risk. A military attacking the civilians it’s meant to protect. And now the spectre of elections within an active conflict,” anito.
Sinabi pa niya na ang ‘cycle of impunity’ ay kailangang matuldukan na, muling inulit nito ang panawagan para sa agarang pagtatapos ng karahasan.
Aniya pa, may pangangailangan para sa “genuine commitment to inclusive dialogue” at “a credible path back to civilian rule– starting with the swift release of all those arbitrarily detained.”
Samantala, suportado naman ni Guterres ang ASEAN Five-Point Consensus, nanawagan para sa agarang pagtatapos ng karahasan, dayalogo sa lahat ng partido at humanitarian assistance ng ASEAN, bukod sa iba pa. (Daris Jose)