• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caloocan LGU, nakahanda na sa Undas 2025

UPANG matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng publiko sa paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa ngayong taon, ipinatupad na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang mga plano nito bilang paghahanda sa dami ng mga bumibisita sa sementeryo ngayong panahon ng Undas.

Ayon kay Mayor Along Malapitan, patuloy na nagsasagawa ang City Environmental Management Department (CEMD) ng mga clean-up drive, kasama ang flushing and repainting operations, sa mga pampublikong sementeryo ng lungsod kahit ilang araw bago ang Undas.

Bukod rito, nagpaalala ang pamahalaang lungsod sa publiko na sundin ang mga alituntuning itinakda ng mga awtoridad sa pagsasagawa ng mga pagbisita, kabilang ang pagbabawal sa matutulis at mapanganib na mga bagay sa loob ng mga sementeryo pati na rin ang wastong pagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar.

Ipinaalala din ni Mayor Along sa publiko na hanggang ngayong araw October 30, 2025 na lamang papayagan ang paglilinis ng mga puntod. (Richard Mesa)