Ligtas at pagninilay-nilay ngayong Undas, wellness break
- Published on October 30, 2025
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Bagong Henerasyon (BH) Party-list sa mga Pinoy na manatiling ligtas, alerto at magmuni-muni ngayong Undas holidays at wellness break para sa mga guro at estudyante mula Oct. 27 hanggang 30, na idineklara ng Department of Education (DepEd).
Ang Undas, o All Saints’ Day ngayong Nov. 1 at All Souls’ Day sa Nov. 2, ay isa sa ginugunitang holiday sa Pilipinas. Milyong Pilipino ang umuuwi sa mga probinsiya para dumalaw sa puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay o kaanak, na kadalasangb nauuwi sa mabigat na trapiko at siksikang terminal.
Pinaalalahanan ni BH Party-list Rep. Robert Nazal ang mga biyahero na magplano ng maaga at magdoble ingat sa kanilang biyahe.
“Let’s all travel safely and responsibly. Check your vehicle, avoid fatigue and always put your family’s safety first,” ani Nazal.
Pinayuhan din ng mambabatas ang publiko na siguruhing nakasarang maigi ang tahanan at huwag ipahayag sa social media ang kanilang biyahe.
“Don’t make your home a target by posting where you’re going or when you’ll be away. A little caution can go a long way in keeping our families safe,” pahayag nito.
Una ng nagdekalara ang DepEd ng wellness break para sa mga guro at estudyante upang makapagpahinga at makabawi mula sa academic fatigue bago magbalik ang klase.
Hinikayat naman ni dating BH Party-list Rep. Bernadette Herrera ang pamilyang Pilipino na gamitin ang naturang break para makapagpahinga, magnilay-nilay at mag-reconnect.
“This wellness break is more than just time off. It’s an opportunity to recharge our minds and renew our spirits before the busy months ahead,” ani Herrera.
Pinaalalahanan din nito ang mga bibisita sa sementeryo na maghanda sa posibleng pagulan, huwag magkalat ng basura at sumunod sa mga local safety guidelines.
“Let’s make Undas a time of quiet reflection and respect. Honoring our loved ones also means caring for our communities and the environment,” pahayag pa ni Herrera. (Vina de Guzman)