Magtatapos na ba ang ‘FPJ’s Batang Quiapo’?: COCO, balitang nakipag-meeting sa TV5 para sa serye at pelikula
- Published on October 30, 2025
- by @peoplesbalita
MUKHANG malapit na ngang magtapos ang numero unong primetime show na “FPJ’s Batang Quiapo”.
Ito ay ayon sa nakausap naming isa sa mga staff ng Dreamscape.
Banggit pa nito sa amin na inaayos na raw ni Coco Martin ang schedules niya at kasama na rito ang mga nalalabing mga malalaming eksena ng “Batang Quiapo”
Kahit mataas ang viewership ay maaring mamaalam na raw ito sa ere.
Ang nakikitang dahilan ng kausap namin ay ang negosasyon daw ni Coco sa TV5.
Ayon pa sa source ay nakipag-meeting daw ang aktor sa TV5/MediaQuest Chairman na si Manny Pangilinan noong Huwebes, Oktubre 23, 2025, para sa sinasabing partnership na hindi lang sa telebisyon kundi sa isang malaking pelikula.
Mula nang maghiwalay sila ng kanyang manager na si Biboy Arboleda, derektang nakikipag-usap si Coco para sa mga proyekto niya sa telebisyon at pelikula.
Pero from same source ay binanggit nito sa amin na tinutulungan naman daw si Coco ng talent manager na si Ms. Shirley Kuan sa mga transaksiyon nito.
Pero hindi malinaw sa source namin kung si Shirley na ang ipinalit ni Coco sa dating manager.
Ipinaliwanag naman nito sa amin na matagal nang manager for endorsements ni Coco si Shirley.
At kahit nasa poder pa ni Biboy noon si Coco ay may Shirley Kuan na rin na tumutulong sa kanya.
May pahintulot ni Biboy ang lahat dahil siya ang nakipagkasundo kay Shirley para ito ang mamahala sa brand endorsements ni Coco.
Si Shirley ang manager nina Albert Martinez, Bea Alonzo, Andrea Brillantes and now Coco Martin na rin kaya?
***
HINDI lumang larawan ang kuhang magkatabing nakaupo sina Kris Aquino at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Kuha ito nang dumalo sa birthday party ng kaibigan niyang si Michael Leyva at nakasabay pa niya si FL Liza.
Sa totoo lang sa hitsura ngayon ni Kris ay gumaganda na ang kanyang aura.
Nadagdagan na rin ang timbang ni Kris at bumabalik na ang dating siya.
Pinayagan na rin siya ng mga doktor niya na makalabas-labas at mag-enjoy sa mga parties.
So, pag tuluyan na siyang gumaling ay mapapanood na natin si Kris sa TV.
Samantala, in-upload ni Kris ang voice lesson ng anak na si Bimby Yap kay Coach Thor.
Kinakanta ni Bimby ang “Nandito Ako” ni Ogie Alcasid at pasado ang kanyang boses.
May caption pa si Kris sa nasabing video, na “Bimb’s ongoing music classes and afterwards his stage performances lessons plus Kuya’s therapy and workout sessions keep our home a busy one.
“I’m blessed my 2 boys don’t complain about the many times in a day they need to shower before coming into my room to hug and kiss me. I’m a mama doing her best together with her sons and my nurses, my doctor lives with us because pain management is so important for me to become active with personalized physical therapy.”
(JIMI ESCALA)