• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Never na pumasok sa isip niya dahil takot sa Diyos: LOTLOT, nagbigay kanyang opinyon sa talamak na kaso ng suicide

TUNGKOL sa suicide, depresyon, anxiety, multo, at demons ang horror film na “Near Death”.
Isa sa mga lead characters sa pelikula ang mahusay na aktres na si Lotlot de Leon bilang si Salve.
Kaya naman tinanong namin si Lotlot kung sa tunay na buhay ba ay nagkaroon na siya ng mga karanasang may kinalaman sa pelikula?
“Sa multo, oo. May mga…. oo, meron, may experience.
“Pero yung ano, [about suicide], hindi! Lord! Takot ako!
“Oo, mumu lang na-experience ko.”
Ano ang reaksyon o opinyon niya tungkol sa mga kaso ng suicide na talamak dito sa ating bansa at maging sa ibang bansa?
Lahad ni Lotlot, “I think it’s good that everyone should always look out for others.
“Hindi naman masama na kamustahin ninyo or maybe be a little kinder to everyone you meet.
“Kasi hindi natin din alam kung ano yung mga pinagdadaanan nila.
“So, I think that’s also something that they can take out from the film.”
Kasali ang “Near Death” (kung saan si direk Richard ay isa rin sa mga producer ng pelikula) sa Sine Sindak Film Festival sa mga SM Cinemas.
Bida rito si Charlie Dizon kung saan kasama rin sina Xyriel Manabat, Soliman Cruz at RK Bagatsing.
Produced ng Diamond Productions, CMB Films at RVS Studios, ang “Near Death” ay mapapanood sa mga sinehan simula ngayong October 29, 2025.
Samantala, tila may horror filmfest si Lotlot dahil bukod sa “Near Death” ay kasali rin siya sa mga katatakutang pelikula na “KMJS Presents Gabi ng Lagim” ng GMA Pictures at GMA Public Affairs kung saan ina ni Jillian Ward ang role ni Lotlot at sa “Poon” na malapit na ring ipalabas.

***

MAY mga nakatadhana talaga na tamang direksyon para sa bawat artista.
Tulad na lamang ng showbiz career ni Bea Binene.
Nagsimula bilang Kapuso si Bea at nagsimula bilang contestant sa ‘StarStruck Kids’ noong 2004.
Nasundan ito ng marami-rami ring serye at TV shows na nagawa sa GMA.
Hindi man nagkaroon ng solid na ka-loveteam noon sa GMA, ngayon ay sikat ang tambalan nila ni Wilbert Ross sa Viva One; bida sila sa seryeng ‘Golden Scenery of Tomorrow.’
“After GMA 7, nagkakaroon po tayo ng mga project na nagkaroon ng kasama sa show,” umpisang lahad ni Bea.
“But yung masasabing loveteam talaga, ngayon lang ulit dito sa Viva. I am very excited.
“Napaka-talented ni Wilbert.
“Dati ko pa naman sinasabi na I feel like Wilbert is such a very reliable loveteam, at napatunayan ko yun.
“I think masuwerte ka kapag nakahanap ka ng katrabaho at kapartner dito sa industriya that really takes care of you at hindi lang yung mema.”
“I feel very blessed to do this project with Wilbert.
“For this series, we want to know each other more and, I think, we’re still getting to know each other more.
“Dito sa series na ito, talagang we became really closer.
“He’s very into arts. Ako po, medyo maarte lang po ako. Talagang healthy lifestyle siya. Ako, medyo-medyo lang po.
“Pero there are things naman na nagkakasundo kami,” kuwento pa ni Bea.
Bukod kina Bea at Wilbert ay nasa Golden Scenery of Tomorrow rin sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Krissha Viaje, Jerome Ponce, Hyacinth Callado, Gab Lagman, Aubrey Caraan, Lance Carr, Nicole Omillo, at Jairus Aquino.
Sa direksyon ni Victor Villanueva ang streaming nito ay bagong episode kada linggo.

(ROMMEL L. GONZALES)