• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakatanggap ng P5 million production grant: Seven full-length official entries ng ‘Puregold CinePanalo 2026’, ini-reveal na

NAGANAP na ang big reveal ng seven official entries sa full-length category ng Puregold CinePanalo 2026, noong Sabado, October 25 sa Cinema 12 ng Gateway Cineplex 18.
Sa big screen may nakita ang isang babaeng kinukuha ang cocktail can na kung saan nakasulat ang titulo ng pelikula. Ang cinematic moment na ito ay nagdulot ng drama at excitement sa mga magagaling na filmmaker na ang mga pangarap na proyekto ay nakatakdang mabuhay.
Mula sa 203 entries na masusing kinalatis at in-screen, umabot ito sa 70 entries na sa tingin ng filmfest committee na most qualified, na na-trim down sa 33 entries.
Hanggang sa tuluyan na nilang nasala ang 15 semi-finalist at mula rito ay napili nga ang pitong pelikulang magtutunggali sa patuloy na lumalaganap na Puregold CinePanalo.
Kinabibilangan ito ng ‘Wantawsan’ ni Joseph Abello, ‘Mono No Aware’ ni BC Amparado, ‘Apol of My Ai’ ni Thop Nazareno, ‘Patay Gutom (Dead Hungry)’ nina Carl Papa at Ian Pangilinan, ‘Beast’ ni Lawrence Fajardo, ’Stuck on You’ ni Mikko Baldoza, at ‘Multwoh’ ni Rodina Singh.
Tulad ng naunang inanunsyo, ang bawat isa sa pitong entries ay tatanggap ng production grant na P5,000,000 at ng pagkakataong makipag-compete para sa mga parangal sa festival.
Ang mga napiling feature films ay ipapalalabas sa big screen kasama ng dalawampung maikling pelikula na eksklusibong ginawa ng mga student filmmakers.
Bilang karagdagan sa mga cinematic reveal videos, ipinakita rin ng event ang retail roots nito sa pamamagitan ng paggawad sa bawat isa sa pitong opisyal na entry ng higanteng stylized grocery receipt na nagpapahiwatig ng kanilang record-breaking production grant.
“The upcoming 2026 Puregold CinePanalo is going to be the festival’s biggest installment yet,” pahayag ni Puregold Senior Marketing Manager Ivy Hayagan-Piedad. “It was only right that we revealed the Top 7 films with a splash of our own.”
Pinaninindigan din ng mga organizer ng Puregold CinePanalo na ang bawat isa sa pitong pelikula entries ay tiyak na magpapahanga sa mga manonood at matutugunan ang matataas na inaasahan na itinakda ng tagumpay ng mga nakaraang festivals nito.
“Puregold CinePanalo is giving its biggest grants to date, largesse that all seven participants truly deserve by showing us the passion, creativity, and ‘panalo sa husay spirit that only Filipino filmmakers can bring,” ayon naman kay festival director Chris Cahilig.
“These films are going to make audiences laugh, cry, and everything in between. We can hardly wait for audiences to see what lies ahead at the festival.”
Ngayon sa ikatlong taon nito, ang Puregold CinePanalo ay nagsilbing plataporma para sa matatapang na Filipino filmmakers sa pagbuo ng kanilang mga pangarap na proyekto, ang ilan sa mga ito ay napiling lumahok sa mga international film festival sa buong Europe, Asia, at Africa.
“Puregold has always believed in the power of supporting and nurturing Filipino artists.” Sabi pa ni Hayagan-Piedad.
“It is one of Puregold’s greatest prides that CinePanalo has grown to this level and given so many Filipino filmmakers the chance to produce world-class movies. We have no doubt that the seven films competing next year will be no exception.”
Ang 2026 Puregold CinePanalo ay gaganapin sa susunod na taon sa Gateway Cineplex 18 at Ayala Malls. Ang Festival ay buong pagmamalaki na sinusuportahan ng Canon Marketing Philippines, CMB Film Board Services, Terminal Six Post, IM Rentals, Asia Pacific Film Institute, Stage Post Audio Classification at Music Productions Inc., ang Film Development Council of the Philippines, at ang Movie and Television Review and Classification Board.
Para sa karagdagang impormasyon sa Puregold CinePanalo, maging updated sa pamamagitan ng official Festival Facebook page sa facebook.com/puregoldcinepanalo

(ROHN ROMULO)