• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matatagalan bago magkita at magkausap: ALLEN, suportado si SOFIA sa pagpasok sa Bahay ni Kuya

SUPORTADO ni Allen Ansay ang pagpasok ng ka-loveteam niyang si Sofia Pablo sa ‘Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.’
Kabilang sa top loveteams ng Kapuso network ang AlFia o mas kilala bilang Team Jolly. Naging top-raters ang mga pinagbidahan nila teleserye na ‘Luv Is: Caught In His Arms’ at ‘Prinsesa Ng City Jail.’ Pati na sa sitcom na ‘Open 24/7.’
Bago pumasok sa Bahay ni Kuya si Sofia, tinapos nila ni Allen Ansay ang shooting para sa GMA Films horror flick na ‘Huwag Kang Titingin.’
“Siyempre, mami-miss ko si Aki. Ilang taon kaming nagkasama as a Team Jolly, hanggang sa pagpasok namin sa college, magkasama pa rin kami. Ito ang magiging pinapamatagal na hindi kami magkikita o mag-uusap kapag pumasok na siya sa Bahay ni Kuya. But I will be supporting, cheering, loving and always be proud of her,” sey ni Allen.
Kaya habang nasa loob ng PBB si Sofia, solo flight muna ang Sparkle young actor sa mga projects niya sa TV tulad sa ginagawa niyang pag-co-host sa ‘TiktoClock.’
Makikilala si Sofia bilang ‘Ang Strong-willed Sunshine ng Quezon City’ sa PBB Collab.
***
SARILING sikap pala ang paggawa ng content ni Gabbi Garcia noong rumampa siya sa ‘Paris Fashion Week 2025’ kamakailan.
Kung yung iba raw ay may bitbit na social media team sa Paris, two-man team lang daw sina Gabbi at Khalil na parati nilang ginagawa sa mga travels nila.
“Khalil took all of my content, video, photo, lahat. Nag pre-prod kami dito sa Manila para pagdating namin doon smooth sailing na lahat which I think is also very successful and easier for me.
“Kasi at least may communication na kami ni Khalil na walang makakapantay ng iba,” sey ni Gabbi na wala rin bitbit na professional glam team at siya lang ang gumawa ng hair and makeup niya.
Kung titingnan nga ang mga post ni Gabbi sa social media, parang professional ang gumawa, pero hands-on lang ang lahat.
Anyway, nagbabalik si Gabbi bilang isa sa hosts ng ‘Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0’ with Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros-Francisco, Enchong Dee, Alexa Ilacad, and Mavy Legaspi.
Nagbabalik din sa pagho-host ng PBB si Luis Manzano.
***
NA-DIAGNOSE with brain aneurysm si Kim Kardashian.
Nagpa-MRI ang 45-year old reality TV star noong makaramdam ng kakaibang sakit ng ulo. After the procedure, she called her family to share, “There was a little aneurysm.”
According to the Mayo Clinic, a brain aneurysm “is a bulge or ballooning in a blood vessel.”
May hinala si Kim na nagsimula ang kanyang sakit dahil sa stress na pinagdaanan niya sa pakikipag-divorce kay Kanye West na lagi raw siyang tinatakot na kukunin ang kanilang mga anak (North, 12, Saint, 9, Chicago, 7, and Psalm, 6).
“I felt more stressed, probably just because I had to super, super protect what I had to protect. We have four kids together. It’s very confusing, because it’ll be all this talk on the internet of like, ‘I’m keeping the kids.’ He’s never once called and asked. I can’t engage all the time.”
Kim and Kanye were married from 2014-2021.

(RUEL J. MENDOZA)