• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:41 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mandatory face mask ‘di pa kailangan – DOH

WALA pang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para ipag-utos ang mandatory use ng face masks, sa gitna ng pagkakaroon ng flu season dahil sa ‘ber months’.
Ayon kay DOH Assistant Secretary at Spokesperson Dr. Albert Domingo, kabilang sa mga dapat na ikonsidera bago magdesisyon hinggil dito ay ang pagkakaroon ng severe hospitalization at pagdagsa ng mga pasyenteng naa-admit sa intensive care unit (ICU) ng mga pagamutan dahil sa sakit.
Gayunman, sa ngayon ay wala pa naman aniya silang nakikitang mga ganitong factor kaya’t wala pang pangangailangan para sa mandatory na paggamit ng face masks.
“Not yet. What we look at when we’re thinking of a mandate is the increase in severe hospitalization. We also see if the ICUs are congested, and we haven’t seen anything like that,” ayon kay Domingo, nang matanong kung may pangangailangan na rin ba ng mandatory use ng face mask sa Metro Manila.
Dagdag pa ni Domingo, bagama’t flu season pa rin sa bansa, wala pa rin namang outbreak ng sakit.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Domingo na bagama’t hindi iminamandato ng DOH ang pagsusuot ng face masks, ay wala namang nagbabawal sa mga mamamayan upang gumamit nito, upang makaiwas sa iba’t ibang karamdaman.