Malaking tulong ang pagkakaroon ng life coach: CRISTINE, aminadong masaya ang puso sa piling ni GIO
- Published on October 23, 2025
- by @peoplesbalita
KASAMA ni Cristine Reyes si Gio Tingson, ang dati pang napababalitang boyfriend niya sa book launch ng life coach na si Pia Acevedo na pinamagatang “Here & Now: Moment to Moment”.
At sa naging panayam kay Cristine habang katabi si Gio, sinagot nito ang tanong kung gaano kasaya ang puso niya ngayon.
“Very, very happy! Ha! Ha! Ha!
“Super happy, and it’s different when you know you’re with the right person in your life,” pahayag ng aktres na agad ding pinutol ang interview.
Samantala, ilan na sa mga naibalita tungkol sa katauhan ni Gio ay ang kanyang pagiging Head of Public Affairs ng Grab mula noong 2024, National Youth Commission chairperson mula 2014 hanggang 2016, bilang chief political officer ni Senator Bam Aquino (2016-2018), bilang chair ng Akbayan Citizens Action Party (2018-2022), at bilang associate lawyer sa isang law firm mula 2019-2021.
Nagtapos si Gio ng AB Philosophy sa Ateneo de Manila University noong 2010, at nagtapos ng abogasya sa Arellano University noong 2018.
Napag-usapan din ang tungkol sa pagkakaroon niya ng life coach sa katauhan nga ni Coach Pia na nakilala niya through common friends.
At dahil dito, mayroon ba siyang life mantra o advice na sinusunod?
“Meron, moment to moment,” at tumawa si Cristine bilang pagtukoy sa titulo ng libro ni Pia.
“Kasi di ba ako based on my experience, moment to moment, minsan nani-neglect na natin yung mga simple things in life.
“So for me, I’m already 36, so I’m not saying naman that I’m old, but I’ve just been you know, working since I was 14, so 20 plus years na rin yun, di ba?
“So it’s important to cherish every moment that you have with you guys, like right now, this is actually a moment. “So sometimes we neglect those things.”
May anak na babae si Cristine sa dati niyang karelasyong si Ali Khatibi, si Amarah, na ten years old ngayon; nakatulong din ba sa kanya bilang isang ina ang pagkakaroon ng isang life coach?
Pahayag niya, “Bawal napagod? As a mom? Actually, in every stages of your life, you need a guidance, di ba? Di ba sa school, you have a guidance counselor?
“Parang for me, every stages of your life, you need a guidance. Para lang you need a helping hand because we all need someone to help us.
“Hindi tayo puwedeng stand alone, kasi ang hirap nun, bitbit mo yung mundo nun.
“So especially if you’re a mom and you have your career also, you know, me, I’m a single mom, so parang mahirap din and you need someone to guide you, like Coach Pia. “Talagang it’s different when you talk to someone about your life.”
Sa pagiging aktres, nakatutulong rin daw sa kanya ang pagkakaroon ng isang life coach.
“I think so. It helps because sometimes… like me, with my line of work, hindi kami private, e,” sagot niya.
“Kumbaga kapag lalabas kami, sometimes you still need to work, di ba? “You still need to entertain some people, take photos. “Even if you’re having a bad day sometimes, hindi puwedeng bad day ka, di ba, hindi mo puwedeng pagbigyan.
“So for us, it helps. Mga public figures especially, kasi nakaka-drain din e. It really helps us.”
(ROMMEL L. GONZALES)