Navotas, namahagi ng allowance sa Navoteño student-athletes
- Published on October 21, 2025
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng allowance para sa mga Navoteño student-athletes na sasabak sa Batang Pinoy 2025 na gaganapin sa General Santos City sa 25-31 October 2025. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ang 96 na delegado ay tumanggap ng P12,500.00 bawat isa at kabilang sa mga sports na kanilang sasalihan ay Arnis, Athletics, Badminton, Judo, Pencak Silat, Swimming, Table Tennis, at Taekwondo. (Richard Mesa)