• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:31 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Move it rider, lolo 4 pa kulong sa sugal, droga sa Valenzuela

ANIM katao kabilang ang tatlong hinihinalang drug personalities ang arestado matapos maaktuhang naglalaro ng illegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.Sa ulat ni PSSg Pamela Joy Catalla kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, bandang alas-7:15 ng gabi nang maaktuhan ng mga tauhan ng Marulas Police Sub-Station 3 ang dalawang lalaki na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa F. Bautista St., Brgy. Marulas.Nakuha sa kanila ang bet money, tatlong peso-coins ‘pangara’ aty isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasamsam kay alyas “Onald”, 33, move it rider.Ayon naman kay P/MSgt. Carlito Nerit Jr., habang nagsasagawa ng validation ang mga tauhan ni Polo Police Sub-Station 5 Commander P/Capt. Doddie Aguirre laban sa isang wanted person sa Salvador St., Brgy. Palasan nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ alas-11:50 ng gabi.Inaresto ang dalawa at nakumpiska sa kanila ang bet money at tatlong peso coins ‘pangara’ habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas “Chris’, 28.Nauna rito, huli din sa akto ng iba pang tauhan ni Capt. Aguirre ang dalawang lalaki habang naglalaro din ng sugal na ‘cara y cruz’ sa loob ng Polo Public Market, Brgy., Polo alas-11-15 ng gabi.Nasamsam sa dalawa ang bet money at tatlong peso coins ‘pangara’ habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu ay nakuha kay alyas “Lolo Rey”, 63, ng Brgy., Coloong II.(Richard Mesa)