Bago tuluyang malugmok ang ating bansa: Mayor VICO, huling baraha na ng Pilipinas ayon kay GARDO
- Published on October 18, 2025
- by @peoplesbalita
SA social media post ng veteran actor na si Gardo Versoza ay ibinahagi niya ang labis na paghanga sa galing at husay sa pagbibigay ng serbisyo ni Mayor Vico Sotto ng Pasig City.
Pahayag ng aktor, “Si Mayor VICO SOTTO, kapakanan ng tao talaga ang inuuna, hindi puro porma.”
Kasunod nito ang tila pagpuna sa national leaders na kahit pasok sa age requirement ay hindi naman natutugunan ng tama ang kanyang trabaho.
“Wala sa edad ang pagiging presidente, nasa hustong edad nga, wala namang pinagkatandaan.
“Siya na talaga ang huling baraha ng Pinas, kundi pa ASAP, tuluyan ng malulugmok ang ating bansa,” matapang pang sabi ni Gardo.
May mga netizens naman ang sumang-ayon sa aktor at meron ding sumalungat.
Say pa nila, sana raw ay tumakbong presidente si Mayor Vico sa susunod na eleksyon pero mukhang Malabo yung mangyari.
Nauna na kasing nagpahayag ang butihing Mayor ng Lungsod ng Pasig na magpapahinga na muna siya sa susunod na eleksyon at nasa plano niyang mag-focus na lang sa pagtuturo.
***
Hinihintay na ‘Pambansang Muziklaban’, nagbabalik na
NAGBABALIK na ang pinakahihintay na kompetisyon ng mga banda sa bansa.
Muling nagbibigay ang Red Horse Beer Pambansang Muziklaban 2025 ng pagkakataon para sa mga lokal na musikero upang ipakita ang kanilang talento, patunayan ang kanilang husay, at sungkitin ang pagkilala bilang susunod na mahusay na bandang Filipino.
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, naging lunsaran ang Pambansang Muziklaban para sa mga nag-aambisyong sumikat, nagbigay ng plataporma para sa Original Pilipino Music, at tumulong na hubugin ang ilan sa mga pinakakilalang pangalan sa industriya—kasama na ang Mayonnaise, na itinanghal na Pambansang Muziklaban Grand Champion noong 2004.
Sa taon na ito, tuloy-tuloy ang paghahanap habang nagdadala ng kanilang natatanging tunog at enerhiya ang mga bagong grupo sa liwanag ng spotlight.
Opisyal nang nagbukas ang online registration para sa mga gustong sumali. Bisitahin lamang ang https://tinyurl.com/PML2025BandRegistration. Inaanyayahan ang mga banda mula sa iba’t ibang sulok ng bansa na sumali, ibahagi ang kanilang musika, at makipag-kompetensya para sa pagkakataong makilala sa pambansang entablado.
Hindi lang exposure at karanasan ang makukuha ng mga kalahok, kundi pati na rin ang pagkakataong tumugtog sa harap ng mga manonood at kasama ng mga sikat OPM artists na minsang tumayo kung nasaan sila ngayon.
Ang Red Horse Beer, ang No.1 Extra Strong Beer sa buong mundo, sa pamamagitan ng Pambansang Muziklaban, ay nagdiriwang ng diwa ng mga nagwagi: matapang at walang makapipigil. Ang bawat pagtatanghal ay isang pagsubok ng tapang at talento, at tanging ang pinaka-masigasig ang makararating sa tuktok.
Magkakaroon ng iba’t-ibang lebel ng kompetisyon mula sa online screening hanggang sa live eliminations, at semi-finals, na magtatapos sa Grand Finals, kung saan ang pinakamahuhusay sa lahat ay maghaharap para sa titulo ng Pambansang Muziklaban 2025 Champion.
Uuwi ang mga nanalo na may mga papremyo, pagkakataong magtanghal at maging bahagi ng maalamat na listahan ng mga kampeon ng Pambansang Muziklaban.
Para sa karagdagang detalye, updates, at mga anunsyo, bisitahin ang opisyal na Red Horse Beer Muziklaban Facebook page sa www.facebook.com/redhorsebeermuziklaban (ROHN ROMULO)
.
(ROHN ROMULO)