• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:27 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hunger rate bababa sa katapusan ng 2025 – Pangulong Marcos

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na bababa ang ‘hunger rate’ sa bansa hanggang sa matapos ang taon.
“Palagay ko, pagkatapos ng taon makikita natin mas mababa pa, dahan-dahan po na natutupad po ang pangarap po ng inyong Pangulo, ang pangarap ng lahat ng Pilipino na wala nang pamilyang ginugutom dito sa atin,” pahayag ng Pangulo sa ginanap na Kumustahan sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom program.
Paliwanag ni Marcos, ang Walang Gutom program ay naging instrumento sa pagbaba ng hunger rate sa bansa simula nitong Marso sa 41.5% kumpara sa 48.7% noong Oktubre 2024.
Dahil din aniya sa programa, bumaba na rin ang gutom sa household beneficiary.
Sa ilalim ng Walang Gutom program, ang mga benepisyaryo ay ginagabayan sa pagpili ng bibilihing pagkain at ibibigay sa kanila ang isang resibo matapos na mag check out sa isang kiosk.
Hindi naman kaila­ngan na ubusin ng benepisyaryo ang P3,000 credit at mas mabuti na i-maximize ang nasabing halaga dahil ang layon nito ay tugunan ang zero hunger.