• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:49 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, humarap sa ICI para talakayin ang halos 300 na hindi nakumpletong Health Centers

HUMARAP sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Biyernes ang Department of Health (DOH) upang talakayin ang halos 300 na hindi nakumpletong Super Health Centers.
Ayon kay DOH spokesperson Assistant secretary Albert Domingo, tutulong sila sa imbestigasyon at lahat ng dokumento ay kanilang ibibigay .
Nauna nang sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na halos 300 Super Health Centers ang naideklarang kumpleto o nasa iba’t ibang yugto ng completion ngunit hindi operational.
Isa lamang sa Super Health Centers na kinuwestyon ay sa Marikina City na ininspeksyon ni Herbosa noong Miyerkules.
Ang nasabing pasilidad ay pinondohan umano ng P21.4 milyon mula sa pondo ng DOH.
Ipinunto naman ni Marikina City Mayor Maan Teodoro na nakumpleto na ng local government ang unang yugto ng proyekto at yun ang pundasyon at structural work na may sertipikasyon mula sa DOH.
Ayon kay Teodoro, ang sinasabi ng DOH ay misleading at iresponsable at ang kanilang pahayag ay para ilihis ang katotohanan.
Giit ni Teodoro, wag iligaw ng DOH ang taumbayan sa katotohanan–kapag nagbigay ng pondo, dapat buo na dahil kawawa ang mga tao sa ginagawa ng ahensya.
Binigyang-diin pa ni Teodoro na ang delays o pagkaantala sa proyekto ay nag-ugat sa kakulangan ng karagdagang pondo mula sa DOH upang matapos ang proyekto kasunod ng kanilang kahilingan para sa P130 milyon karagdagang pondo para completion ng nasabing proyekto. (Gene Adsuara)