• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 8:53 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Restrictions sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga public officials, matagal na dapat ginawa

MATAGAL na dapat ginawa na alisin ang restrictions sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga public officials.
Pahayag ito nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Renee Louise Co at Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Jane Elago matapos magdesisyon Office of the Ombudsman na alisin ang nasabing restrictions sa public access sa SALN.
Ayon sa mga mambabatas ng Makabayan bloc, kailangan itong gawin lalo na sa kuwestiyon sa yaman at korupsyong nagaganap.
Binaligtad nang ipinalabas na memorandum ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang 2020 policy ni dating Ombudsman Samuel Martires, na naging daan para maging inaccessible ang saln publiko sa pamamagitan nang pagrerequire ng pagkuha ng consent mula sa SALN owners bago mabigyan ng kopya.
Isa anila itong hakbang para sa pagkakaroon ng transparency at accountability.
sinabi ng mga mambabatas na ilan taon na rin nilang hiniling ang pagbabalik ng public access sa SALNs.
“Ang SALN ay hindi pribadong dokumento—ito ay pampublikong rekord na dapat accessible sa lahat ng mamamayan,” ani Tinio.
Idinagdag pa nito na sinadya umano ng polisiya na mapagtakpan ang korup na opisyal mula sa pagbusisi ng publiko
“By requiring consent from the very officials whose wealth we wanted to examine, they essentially made SALNs secret documents. This was a betrayal of the Constitution and of the people’s right to information,” pahayag ni Tinio.
Sinabi naman ni Co na ang transparency ay hindi lamang tungkol sa papel at proseso kundi pagsisiguro na napapanagot ang mga public officials sa publiko.
“When officials hide their wealth, they hide their corruption. This policy change is a crucial tool in our fight for good governance,” ani Co.
Pahayag naman ni Elago na walang kahulugan ang access sa SALNs kung walang political will para habulin ang korup na opisyal.
“We welcome this policy change, but we challenge the Ombudsman and all relevant agencies to use these documents to investigate and prosecute those who have enriched themselves at the expense of the Filipino people,” sabi ni Elago.
Idinagdag nito na maraming tanong ang kailangang sagutin tulad ng kung papaano naging bilyonaryo ang mga opisyal na ang suweldo ay limitado o kung saan galing ang mga mansyon, luxury cars, at offshore accounts.
Naniniwala ito na SALN ang siyang starting point sa ganitong imbestigasyon.
(Vina de Guzman)