42 days na ang lumipas sa pagdinig sa Senado: ANNE, mukhang inip na inip na dahil wala pang nananagot
- Published on October 16, 2025
- by @peoplesbalita
NI-REPOST ni Anne Curtis sa kanyang Instagram story ang isang art card mula sa “Follow The Trend Movement (FTTM) page kung saan nakasaad na 42 days na raw ang lumipas nang magsagawa ng pagdinig ang Senado pero parang wala pang maliwanag na resulta.
“42 days since hearings on flood control project started. Wala pa ring napapanagot,” ang mababasa sa caption ng naturang art card.
Komento pa ni Anne na parang inip na inip na, “ung Totoo? Ano naaa po?”
Marami naman ang sumang-ayon sa kanya dahil higit isang buwan na ang lumipas pero wala pang kaganapan tungkol sa sinusubaybayang isyu.
Isa nga si Anne sa matatapang na artista na naglalabas ng saloobin tungkol sa mga anomalya at korapsyon sa pamahalaan, lalo na sa isyu ng flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isa pang post ni Anne sa IG, binigyang-diin niya ang pagbabayad niya ng tamang buwis, “Bilang mga taxpayers it allow us to ask an important question: Saan ba talaga napupunta ung taxes natin lahat?
“We all work hard. Some spend late nights away from their families, endure long commutes, and sadly, many still suffer the consequences of flooding and other hardships.
“I DO BELIEVE in paying taxes—when they’re used for the growth of our nation, the betterment of our communities, and most importantly, in support of our fellow Filipinos who need the extra hand.
Sa isa pa niyang post sa IG, binigyang-diin ni Anne ang pagbabayad niya ng tamang buwis, “Bilang mga taxpayers it allow us to ask an important question: Saan ba talaga napupunta ung taxes natin lahat?
“We all work hard. Some spend late nights away from their families, endure long commutes, and sadly, many still suffer the consequences of flooding and other hardships.
“I DO BELIEVE in paying taxes—when they’re used for the growth of our nation, the betterment of our communities, and most importantly, in support of our fellow Filipinos who need the extra hand.”
Dagdag pa niya, “Specially, for the youth and children who don’t have access to proper nutrition and education.
“It’s time we use our voices to END CORRUPTION in our country para sa mga anak natin at para sa future generation of Filipinos.
“Para sayo, Mahal namin Pilipinas!”
***
Makasaysayang pelikula na “Quezon” binigyan ng rated
BINIGYAN ng PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang “Quezon” na pinagbibidahan ni Jericho Rosales bilang si Pangulong Manuel L. Quezon.
Sa PG, maaaring may mga tema o eksena na nangangailangan ng gabay ng magulang para sa mga manonood na may edad 13 at pababa.
Ang pelikula ay tungkol sa hangad ni Quezon ng kapangyarihan, habang ipinaglalaban ang kalayaan ng Pilipinas. Sa hangarin niyang bumuo ng isang bansang malaya, nag-iwan siya ng isang legasiya na nananatili hanggang sa kasalukuyan.
“Ang mga pelikulang tulad ng ‘Quezon’ ay sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng ating bansa. Sa pamamagitan ng angkop na klasipikasyon, tinitiyak natin na ito ay ligtas na mapapanood ng mga manonood habang may paggabay ng mga magulang,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.
Samantala, apat pang pelikula ang inaprubahan ng MTRCB para sa pampublikong pagpapalabas.
Ang “Good Fortune” na pinagbibidahan ni Keanu Reeves at ang “Kiss of the Spider Woman,” tampok si Jennifer Lopez, ay kapwa rated R-13 (Restricted-13), angkop para sa edad 13 at pataas.
Ang ‘Good Fortune’ ay isang komedya tungkol sa isang anghel na si Gabriel na nabigong ipakita sa isang lalaking problemado na ang pera ay hindi solusyon sa lahat, habang ang “Kiss of the Spider Woman” ay isang musikal tungkol sa pag-ibig at kalayaan.
Para sa mahilig sa katatakutan, parehong R-16 ang mga horror-thriller na “Black Phone 2” at “The Mariana’s Web” angkop lamang sa mga edad 16 at pataas.
Hinikayat ni Sotto ang mga magulang at nakatatanda na gabayan ang mga bata habang nanonood.
“Sa wastong paggabay ng magulang, ang mga ganitong pelikula ay magsisilbing simula ng makahulugang pag-uusap at makatutulong sa paghubog ng responsableng panonood sa pamilya, lalo na sa mga batang Pilipino,” dagdag ni Sotto.
Sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng MTRCB, muling pinagtitibay ng Ahensiya ang pangako nitong protektahan ang mga manonood, suportahan ang industriya ng pelikula at telebisyon, at itaguyod ang Responsableng Panonood sa pamamagitan ng angkop na klasipikasyon.
(ROHN ROMULO)