• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:03 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Masuwerte ang mag-asawa sa kanilang kambal: CASSY at MAVY, sobrang maasikaso sa ama’t ina na sina ZOREN at CARMINA

MASUWERTE nga raw sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel dahil sobrang maasikaso sa kanila, lalo na ‘pag dating sa kalusugan nila, ang kanilang kambal na sina Cassy at Mavy.
“‘Yun ‘yung fear ng mga magulang eh. Minsan, ‘pag tanda ‘di ba, sasabihin sino mag-aalaga sa akin? Ako I am at peace dahil alam ko alagaan kami nitong dalawa,” sey ni Zoren na noong ma-ospital ng isang buwan, si Cassy ang nagbayad ng hospital bills.
Si Carmina naman ay binalikan ang sinabi sa kanya noon ni Mavy noong 7-years old pa lang ito.
“Sabi niya, ‘You know what mom, when you grow older, I’m gonna carry you going up the stairs and going down.’ No’ng time na ‘yon, hindi naman ako nasugatan. So talagang alam ko din na kahit tumanda kami, magkaroon kami ng sakit, alam namin na aalagaan kami ng mga anak namin.”
Magkasama for the first time sa isang teleserye ang Legaspi Family sa GMA-7 na ‘Hating Kapatid’. Kasama rin sa cast sina Valerie Concepcion, Mel Kimura, Leandro Baldemor, Mercedes Cabral, Glenda Garcia, Haley Dizon and Vince Maristela.
***
MAGKAKASUNOD ang TV projects ng Sparkle hunk at PBB Collab housemate na si Vince Maristela.
After ng role niya sa ‘Sang’gre’, kasama siya sa ‘Hating Kapatid’ ng Legaspi Family.
Partner siya sa teleserye ni Cassy Legaspi at mabilis daw silang nagkasundo sa taping.
“Thankful ako kay Cassy dahil siya ‘yung makaka-partner ko rito at napakakomportable ako kasama siya, at nag-e-enjoy talaga ako kapag nasa taping ako,” sey niya.
Tinanong si Vince kung may nagseselos ba na partner niya si Cassy sa teleserye?
Ngumiti lang ito at sinabing, “trabaho lang po!”
Nabalita kasing dine-date diumano ni Cassy si Michael Sager na kasabayan ni Vince noong ni-launch sila ng Sparkle bilang Sparkada in 2022. Ka-batch din sila sa PBB Collab.
***
GINULAT ng American host and comedian, Conan O’Brien ang maraming Pinoy noong makita siyang gumagala sa Bonifacio Global City in Taguig.
Nasa Pilipinas si Conan para mag-shoot ng episode para sa travel show na ‘Conan O’Brien Must Go.’
“Mabuhay, Philippines! Just landed in Manila to shoot #ConanOBrienMustGo and I’ve already met so many amazing people,” post niya sa social media.
Marami na ang nag-post ng selfies nila with Conan habang nasa BGC ito. Natuwa ang comedian dahil marami raw nakakakilala sa kanya at very friendly daw ang mga Filipinos.
‘Conan O’Brien Must Go’ is a spin-off of his hit podcast, ‘Conan O’Brien Needs a Friend.’ Nasa second season na ito sa HBO Max.
Isa sa well-loved late-night hosts si Conan ng mga shows niya na Late Night with Conan O’Brien (1993-2009); The Tonight Show (2009-2010); at Conan (2010-2021). Naging host siya sa nakaraang Oscar Awards.
Bago siya naging TV host, naging writer si Conan ng Saturday Night Live at The Simpsons.

(RUEL J. MENDOZA)