• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:50 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TAIWAN, kinondena ang pinakabagong Chinese harassment laban sa PH vessels

MARIING kinondena ng Taiwan ang pinakabagong agresibong aksyon ng Tsina laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa labas ng isang isla na tinitirhan ng mga Filipino sa pinagtatalunang South China Sea, na halos angkinin na ng buo ng Beijing.

“The PRC’s repeated and dangerous maneuvers against Filipino vessels undermine regional peace and security and have caused damage to a Bureau of Fisheries and Aquatic Resources vessel,” ayon sa kalatas ng Taiwan’s Ministry of Foreign Affairs, gamit ang acronym para sa China’s official name, People’s Republic of China.

Araw ng Linggo, gumamit ang Chinese coast guard vessels ng water cannons at sinadyang banggain ang Philippine government vessel sa 1.6 nautical miles mula Pag-Asa Island.

Tinukoy ng Maynila na ang katubigan ay West Philippine Sea, bahagi ng South China Sea na pinakamalapit sa Philippines’ archipelago.

Sa kabilang dako, isinatinig naman ng mga bansang New Zealand Estados Unidos, Japan, at Australia ang kanilang suporta para sa Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensiyon sa South China Sea.

Nauna rito, mariing kinondena ng gobyerno ng Pilipinas ang pinakahuling pagkilos ng pananalakay ng China Coast Guard (CCG) at mga maritime militia vessel nito laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa loob ng territorial sea ng Pag-asa (Thitu) Island.

Maghahain ang Maynila ng isa pang diplomatikong protesta laban sa Beijing at sinabihan na maging tapat sa mga pahayag nito sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtigil sa mga agresyon nito.

Tinawag ng National Maritime Council (NMC) na “grave concern” sa bansa ang “illegal and reckless actions” ng CCG sa karagatan ng Pag-asa Island.

Ang NMC ay ang interagency body na nilikha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Marso 2024 para palakasin ang maritime security ng Pilipinas at pataasin ang maritime domain awareness sa mga Pilipino sa gitna ng mga agresibong taktika at pagbabanta ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa NMC, bandang 8:15 noong Linggo, tatlong sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang ang 30-meter BRP Datu Pagbuaya, ang naka-angkla malapit sa Pag-asa Island para tulungan ang mga mangingisdang Pilipino sa ilalim ng programang “Kadiwa para sa Bagong Bayaning Mangingisda” (KBBM) nang magsagawa ang mga sasakyang pandagat ng CCG at Chineseapproach ng mga mapanganib na maritime militia.

Pagsapit ng 9:15 a.m., sa loob ng territorial sea ng Pagasa Island, direktang nagpaputok ng water cannon ang CCG vessel na may bow number 21559 sa BRP Datu Pagbuaya, at sinadyang binangga ang hulihan nito, na nagdulot ng kaunting pinsala ngunit walang pinsala sa mga tripulante.

Nanindigan ang gobyerno ng Pilipinas na ang Pag-asa Island ay isang teritoryo ng Pilipinas bilang bahagi ng Kalayaan Island Group (KIG) ng lalawigan ng Palawan.
( Daris Jose)