• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:54 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Karamihan sa mga Pinoy, naniniwalang dapat na papanagutin si Digong Duterte sa war on drugs-SWS

KARAMIHAN sa mga Filipino ay naniniwalang dapat na papanagutin si dating Pangulong Rodrigo “Digong” R. Duterte sa pagkasawi ng mga taong isinangkot sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), isinagawa mula Sept. 24 hanggang 30, 2025, ang survey kinapanayam ang 1,500 adults sa buong bansa ay mayroong ±3 percent margin of error.

Makikita sa resulta na habang may 50% ng mga respondent ang sang-ayon na dapat na managot si Digong Duterte, may 32% naman ang kontra rito. Tinatayang 15% ang undecided, at 4% naman ang hindi nagbigay ng kanilang tugon.

Sa Visayas ang nakapagtala ng pinakamataas na ‘support for accountability’ na may 54%, sumunod ang Metro Manila (53%), Balance Luzon (52%), at Mindanao (39%).

Ipinalabas ang resulta ng survey kasunod ng kapasiyahan ng

International Criminal Court (ICC) na ibasura ang request ng kampo ni Digong Duterte na interim release.

Sa naging desisyon ng ICC, sinabi nito na kailangan na patuloy ang detensyon ng dating Pangulo upang “to ensure his appearance at trial, prevent him from obstructing the investigation or the proceedings; and to stop potential commission of further crimes.”