• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:27 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong wellness center, binuksan sa Caloocan

SA patuloy na pag-upgrade ng mga pangunahing serbisyo at pasilidad sa kalusugan, ang Pamahalaan ng Lungsod ng Caloocan ay nagpatupad ng mas espesyal na mga programang pangkalusugan kasunod ng pagbubukas nito ng bagong Wellness Center sa Caloocan City Hall – South upang matugunan ang karagdagang pangangailangang medikal ng mga nasasakupan nito.

Ang nasabing Wellness Center ay tututukan ang alternative health practices sa mga conventional medical services at isulong ang paggamit nito sa publiko, kabilang ang lifestyle at diet counseling, herbal medicine orientation, at maging ang acupuncture.

Muling iginiit ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na ang numero unong priyoridad ng pamahalaang lungsod ay ang kalusugan ng mga nasasakupan nito, at habang ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan ay patuloy na na-upgrade sa kanyang unang panunungkulan, pinaninindigan niya na mas maraming espesyal na programa ang ipapatupad.

“Hindi nagbabago ang mga pangakong tinupad simula pa noong una. Ang gusto natin, panatag ang bawat Batang Kankaloo pagdating sa kalusugan ng kanilang mga pamilya,” deklara ni Mayor Along.

“Mas napalakas na natin ang mga primary medical services para sa ating mga mamamayan, kaya sa mga susunod na programa, mas pagtutuunan naman natin ng pansin ang mga proyektong tututok sa mga mas specialized nilang mga pangangailangan kagaya ng mga serbisyong hatid ng ating bagong Wellness Center,’ dagdag niya. (Richard Mesa)