Business confidence, nananatiling solido sa kabila ng usapin ng anomalya na may kinalaman sa mga proyektong pangbaha
- Published on October 12, 2025
- by @peoplesbalita
SOLID!
Ganito ilarawan ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go ang kumpiyansa ng mga nasa sektor ng pagnenegosyo sa gitna ng nabunyag na anomalya sa flood control.
Sa kabilang dako, aminado si Go na may bahagyang hamon dulot na din ng mga negatibong nailalathala at nailalabas sa mga social media feeds kaugnay ng flood control mess.
Sinabi ni Go na kailangang gawin ngayon ay mag-move on, magpokus sa reporma at ituon ang pansin sa corrective measures.
Samantala, positibo si Go na makakabawi dito ang pamahalaan at ang kinakaharap aniyang hamon ngayon ay short term lamang.
( Daris Jose)