• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:34 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jobless Pinoy, bumaba sa 2.03 milyong noong Agosto – PSA

NAGKAROON ng pagbaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 2.03 milyon na lamang ang jobless na Pinoy noong Agosto, mas mababa ng 3.9 percent kumpara sa 2.59 milyon noong Hulyo.

Mas mababa rin ito kumpara sa 2.07 milyon na walang trabaho noong Agosto 2024.

Ayon sa PSA, ang sektor ng agrikultura, forestry, wholesale, retail trade at construction ang nakapagtala ng mataas na bilang ng trabaho.

Agriculture and forestry – 1.35 milyon, wholesale and retail trade – 1.30 milyon, construction – 672,000, other service activities – 399,000, fishing and aquaculture – 346,000.

“May big adjustment din kasi tayo nung month of July. Ang pinakarason dito, as we mentioned, yung series of typhoons, talagang malaki yung epekto nung mga bagyo doon sa ating industries, particularly agriculture,” pahayag ni National Statistician Claire Dennis Mapa.

“So ang nakita namin na yung bawas doon sa July, which is ang pinakamalaki agriculture, retail trade, and construction, bumalik sila ngayon…in a way, parang naging temporary yung naging pagkawala ng trabaho,” dagdag ni Mapa.

Ayon kay Mapa, ang pagbubukas ng job opportunities sa ibat ibang sektor na naapektuhan ng mga kalamidad ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga Filipino na may trabaho.