Tinaningan ng netizens na ‘di raw magtatagal: ELISSE, sinasabing bagong girlfriend ngayon ni KOBE
- Published on October 10, 2025
- by @peoplesbalita
KALOKAH itong mga netizen dahil lagi silang nakabantay sa controversial cager na si Kobe Paras.
Naging maingay at kontrobersyal ang naging hiwalayan noon nina Kobe at Kapuso actress Kyline Alcantara.
At ang latest daw ay si Elisse Joson na ex ni McCoy de Leon ang bagong nitong girlfriend.
Umarko ang mga kilay nang mag-post si Kobe ng picture nila ni Elisse na nilagyan nito ng caption na, “Natagpuan ko na ang babaeng hinahanap ko (reffering to Elisse).” Marami ang nag-comment, sa nasabing post na ito ni Kobe.
At agad tinaningan ng netizens ang relasyon nito kay Elisse, na baka hindi raw abutin ng one year.
Baka ang naging basehan nila ay mabilis daw magsawa si Kobe, dahil papalit-palit nga ng girlfriend.
‘Pag nagkataon, kawawang Elisse!
***
ISA rin sa masuwerteng sexy actor noong early 2000 ay itong si Harold Montano.
Yes, noong active na active pa ang showbiz career ni Harold ay kaliwa’t-kanang pelikula ang nagawa niya.
And he’s very lucky at nakatrabaho niya ang multi-awarded director-producer na si Direk Brillante Mendoza. Nagkatrabaho sila sa 2007 film na “Tirador”, kung saan nakasama niya sina Coco Martin, Jiro Manio, Kristoffer King and the late Jaclyn Jose. The best experience for Harold ang mga nabanggit na actors.
Ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Direk Brillante.
“Tinawagan ako ni Direk Brillante Mendoza dahil may Christmas party ang lahat ng mga artistang lumabas sa Centerstage Productions niya.
“Sabi niya pumunta raw ako para makita ako ng ibang direktor o producer na darating para makabalik ako sa pelikula.”
Samantala ilan pa sa mga nagawa ni Harold ay ang ‘Twilight Dancers’, ‘Sikil’, at ‘Pantasya’.
At dahil sa alagang ahas ay binansagan siyang ‘Snakeman Actor’.
Marunong ding kumanta si Harold, kaya nai-invite siya noon sa fiesta at mga out-of-town shows.
Matagal na rin siyang pinagkakatiwalaan bilang celebrity endorser ng LV ROYAL Whitening Tawas na pampaputi ng kilikili. Available ito in leading supermarket nationwide at sa Savemore.
Nakatutuwang alalahanin na from his bagets days in Tandang Sora, QC na meron silang maliit na bar at ihawan ng kanyang uncle-manager na si Edwin Guiquin.
Aming nasubaybayan ang nag-uumpisa pa lang na showbiz career ni Harold.
Ngayon ay isa na siyang matagumpay na resort owner ng Cabin In The Clouds sa Tanay, Rizal.
Ang bongga di ba?
(PETER S. LEDESMA)