• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:50 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-sorry na matapos ma-bash dahil sa art card post: ARRON, nagbahagi nang nakakaiyak na naranasan nang pumunta sa Bogo

NAG-SORRY na nga sa publiko si Arron Villaflor matapos ma-bash ang kanyang art card post na “Pray for Cebu” noong October 1, 2025,
Nagpaabot ng pakikidalamhati at panalangin ang aktor at provincial board member ng second district ng Tarlac sa mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.
Kung tutuusin maganda naman talaga ang intensiyon ni Arron, maraming netizens ang nam-bash, dahil parang ginaya raw niya si Santino (ang karakter ni Zaijian Jaranilla sa hit teleserye ng ABS-CBN na ‘May Bukas Pa’ noong 2009), nakasuot ng pulang polo at parang nagdarasal.
Kaya naman after ng grand mediacon ng historical film na ‘Quezon’ ay nakausap namin ang aktor at hiningan ng reaksiyon tungkol sa viral post at agad din naman niyang pinabura.
Si Arron ay gumanap bilang Joven Hernando, isang fictional character at si Jericho Rosales bilang si dating Pangulong Manuel L. Quezon at ipalalabas na sa October 15, hatid ng TBA Studios.
Pahayag niya, “First of all, gusto kong humingi ng pasensiya.
“It was a lapse from my social media team at hindi natin masisi ang mga tao ngayon dahil galit sila sa gobyerno natin.
“So, let’s learn from our mistakes and we need to be responsible for whatever post we want to post on social media. Siguro it’s better na magiging maingat na lang ako, triple triple ingat para walang masabi ang mga tao.
“Nagbasa rin ako ng mga comments, para alam ko ang reaction ng mga tao, coming from different part of the Philippines. Actually, buong mundo, kasi grinab lahat.
“Kaya muli gusto ko humingi ng pasensiya sa mga kababayan natin. At ito lang siguro ang pagkakataon na masasabi ko na ibigay natin sa tao kung ano ang napi-feel nila.”
Kagagaling lang ni Arron sa Cebu, para tumulong at alamin ang kalagayan ng kanyang mga kababayan.
May mensahe siya mga taong nam-bash sa kanya, “sa lahat ng taong nam-bash, go ahead.
“Ang gustong iparating sa inyo na ang roots po ng Villaflor ay sa Cebu. Taga Baliri po kami, doon nanggaling si lolo, sa Carcar, Baliri, Mandaue. Kaya lahat ng ibang relatives namin sa Bogo ay pinuntahan namin.”
Pagbabahagi pa niya na kung saan naging emosyonal siya, “gusto lang ibahagi ang naging experience namin doon. Very tragic, emotional and frustrating.”
Napamura pa si Arron habang naiiyak na, “napakaswerte pa natin. Kasi may lugar sa Bogo na hindi pa napupuntahan ng mga LGU, wala talagang ilaw.
“So, by the help of my relatives, gumamit kami ng 4×4 trucks, para mapasok at marating sila, na parang tinatawag nilang Batanes. Mga tao doon na hindi makababa, mga three hours by car pababa, ilang oras kung lalakarin, malayo talaga.
“Kaya nag-stay na lang sila sa labas ng bahay naka-tolda, dahil maya’t-maya ang after shocks. Ang source of light nila ay magsiga lang ng apoy. Naghihintay na lang sila kung may darating, mga 25 families sila.
“Ang request nila palagi ay tolda, pagkain, bigas at tubig.”
Patuloy nga ang pagdating ng tulong sa mga nasalanta ng malakas na lindol at patuloy natin silang ipagdasal, pati na ang mga naghahatid ng tulong.
(ROHN ROMULO)