• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:02 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa posibilidad na mag-guest sa ‘House of D’: DINA, ayaw panghimasukan ang private life nina VIC at PAULEEN

NASA ikalawang season na ang You Tube infotainment show na “House of D” na pinangungunahan ng actress/host na si Dina Bonnevie.
Kasama niyang host dito ang mga anak na sina Danica Sotto at Oyo Sotto and in-laws na sina Marc Pingris at Kristine Hermosa.
Isa ito sa maituturing na successful show sa You Tube dahil in just a few months, nag-exceed na sila sa 100k subscribers. Ngayon pa naman, unlike no’ng pandemic ay ‘di na gano’n kabilis umakyat ang mga subscribers.
Two weeks din silang nag-break at dito raw lalong napatunayan ni Ms. D na marami nga ang nanonood sa kanila. Ang dami raw kasing nagtatanong, nagme-message at tila nagpa-panic no’ng unang Biyernes na hindi sila napanood at tila inip na inip na sa two weeks season break.
Pero sa October 17, mga bagong episodes ang magsisimulang mapanood at instead na 5pm, tuwing 7pm ng Friday na ang kanilang premiere kunsaan, live rin silang nakiki-interact sa comment ng mga manonood.
Magkakaroon na rin sila ng guest, kaya we asked Ms. D if okay rito ang ideya na maging guest ang ama ng mga anak niya na si Vic Sotto.
Sey niya, “Well, if it’s okay with Vic. Pero para sa akin lang, parang ayokong panghimasukan ang private life nila ni Pauleen.
“And Pauleen is very nice naman to me. Magalang siya and there’s never an occasion na hindi niya inilapit sa akin si Tali at kailan ko lang nakilala, si Mochi.
“She still acknowledges the fact na ito ang unang asawa ng asawa ko and ito ang nanay ng mga anak ng asawa ko. So, I don’t have any issue with her, she’s very respectful, very kind naman.”
Sey rin niya, “if they wanna guest, why not? Pero ayokong panghimasukan.”
Tinatanong din daw ni Ms.D si Danica kung napanood na ni Vic ang House of D, pero wala rin daw itong ideya at hindi rin naman natatanong ng anak.
Pero kung sakali, ang gandang ideya at ‘di-malayong another million views sa show nila.

***
CARMINA, ‘di in-expect na magkaka-serye ang buong pamilya

LAST year pa pala nang i-offer sa pamilya Legaspi—Zoren, Carmina, Mavy at Cassy ang kanilang GMA Afternoon Prime na “Hating Kapatid.”
Ayon kay Zoren, siya lang daw ang okay sa project, pero hindi ang tatlo.
Sey ni Carmina, bilang kada-project naman daw niya, palagi talaga siyang kinakabahan, parang mas lalo sa ideya na silang lahat sa isang teleserye.
Bukod dito, hindi rin daw in-expect ni Carmina na posible silang magsamang pamilya sa isang serye.
Aniya, “Hindi talaga. Hindi ko talaga in-expect. Commercial, oo! Parang buong buhay nila, nagko-commercial sila. Parang iniisip namin, noong pandemic, nagkaroon kami sa ‘Sarap Di Ba?’, pero siguro pwedeng sitcom. Kasi, kapag nakita mo kami off-cam, para kaming isang sitcom talaga.
“But I really believe that everything happens for a reason.”
Confident daw si Mina sa kanilang serye at masasabi niya rin na napakahuhusay ng lahat ng supporting cast kabilang na rito sina Valerie Concepcion, Leandro Baldemor, Glenda Garcia, Vince Maristela at Cheska Fausto.
Ngayong Lunes, October 15 na nga mapapanood ang simula ng Hating Kapatid na sa totoo rin naman, hindi basta-basta nangyayari na sa isang drama, bida ang buong pamilya. Hindi tayo sure kung mangyayari pa ba na mapapanood silang magkakasama sa isang serye.
Kaya espesyal sa Legaspi family, espesyal din na handog ng GMA-7 sa direksyon ni Adolf Alix Jr.
(ROSE GARCIA)