• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:53 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakaapekto raw ang kasong hinaharap: Grupo ni ELIAS J., ‘di natuloy ang US tour dahil na-deny ang Visa

SABI sa social media ay hindi raw totoong cancelled na ang US tour sana ni Elias J. at ng kanyang banda na Elias J TV Band last September.
Ni-reschedule lang daw ito for unspecified o di natukoy na rason ng promoter ng nasabing series of shows.
Ayon pa sa veteran lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio, na legal counsel ng lady manager ni Elias J na si Beverly Pumicpic-Labadlabad, ang totoo, ay hindi raw nabigyan ng US Visa ang Elias J TV Band ng sikat parating viral na Reggae singer. Na-deny ang kanilang mga visa dahil may kinahaharap silang kaso kay Ms. Beverly.
Ilan sana sa pagtatanghalan nila ay sa Los Angeles, CA, Redwood City, CA(near San Francisco), Las Vegas, Houston Texas at ilang parte ng Hawaii. Infairness, maraming kababayan raw natin sa US ang mga nag-aabang sa pagdating ng grupo ni Elias, kaso matuloy pa kaya ito?
Lalo’t hayan at nagkaka-problema sila sa kanilang mga visa. Well, sayang!
***

Special screening ng movie ni BEAVER, parating dinudumog ng fans

MARAMI talagang fans and supporters ang gwapong Kapamilya actor-singer na si Beaver Magtalas.
Na tuwing nakikita siya ay kinakikiligan talaga ng estudyanteng girls and gays na mga tagahanga. Pwede nang ihilera si Beaver sa mga kilalang matinee idols lalo’t taglay nito ang lahat ng qualities para matawag na isang matinee idol!
Last October 4 sa SM Taytay ay muli na namang dinumog ng maraming estudyante ang special screening ng “When Magic Hurts” na pinagbibidahan nga ni Beaver at Mutya Orquia.
Pagtawag pa lang ng host ng event ng pangalan ni Beaver, grabe na ang tilian at hiyawan at kitang-kita ang kilig ng bawat isa sa ina-idolize nilang actor. Dumagundong talaga ang malakas na sigawan sa buong sinehan.
Ang maganda rito kay Beaver ay lumalapit at nakikipag-usap talaga siya sa kanyang fans at lahat ay pinagbibigyan niyang makapagpa-picture o photo op sa kaniya. At siyempre lahat ay nag-enjoy sa ganda at hatid na kilig ng “When Magic Hurts.”
May mga umiyak rin sa drama scenes ng movie at comment nila ay very natural umarte si Beaver at malalim ang acting nito. Kaya deserve a Best Actor trophy in the near future.
Gusto pa lang magpasalamat ni Beaver kay Ms. Dennah, sa pag-invite nito sa kanya sa naturang screnning.
At para doon sa lahat ng mga nag-aabang sa bagong proyekto ng matangkad na actor sa ABS-CBN, relax lang kayo at malapit ng simulan ni Beaver ang isang big project teleserye na kasama siya.
Bawal pa lang magbigay ng anumang detalye sa ngayon.
(PETER S. LEDESMA)