Nais tumulong sa taga-Cebu sa kanya gustong padain: VICE GANDA, sinabing mababa ang sweldo ng mga guro dahil ninakawan din
- Published on October 9, 2025
- by @peoplesbalita
MAY panawagan na naman si Phenomenal Box-office Star Vice Ganda sa gobyerno. na sana’y dagdagan pa ang sweldo ng mga guro sa Pilipinas.
Naniniwala kasi ang TV host-comedian na panahon na para pakinggan ang mga hinaing ng mga teacher na dagdagan sa kanilang suweldo.
Sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day last Sunday, October 5, mga guro ang naglaro sa “Laro Laro Pick” segment ng “It’s Showtime” noong Sabado, October 4.
Ayon sa isang kindergarten teacher, napakasarap daw sa pakiramdam na maging ikalawang magulang ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang paaralan.
Iba raw ang feeling kapag nirerespeto, iginagalang at pinasasalamatan na sila.
Pero ayon kay Vice Ganda, hindi naman talaga nakukuha sa mga guro ang sweldong karapat-dapat sa kanila.
“Pero, kailangan kayong ituring nang mas disente, bigyan ng mas disenteng kompensasyon o sahod, kasi baka kung lagi nating sinasabi… ‘yan ‘yung sinasabi natin na ‘Puwede na ‘to kasi… hindi nabibigyang importansya or inaabuso. Naaabuso ang resilience ng mga Pilipino,” paliwanag pa ni Vice na gustong maging boses ng mga guro.
Dagdag pa ng TV host, “Kailangang swelduhan ng mataas ang mga guro. At nasuwelduhan sana kayo ng tama, kung hindi kayo ninakawan. Kaya po mababa ang suweldo n’yo kasi ninakawan kayo.”
Naibahagi rin ni Vice na may isang interview isa sa official sa Vietnam, dahil ang ganda ganda na quality of education sa bansa nila. At ang sikreto daw doon at dahil sa Filipino teachers, na ang sarap din ng buhay nila doon dahil well compensated sila at may nakukuhang seguridad sa gobyerno.
Na malayong-malayo sa natatanggap ng mga guro dito sa Pilipinas.
Samantala, marami talaga ang gustong magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng 6.9 magnitude na liddol sa Cebu
Pero marami rin sa gustong mag-donate ay nagdadalawang-isip na maghatid sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno maging sa mga pribadong sektor.
Baka raw nakawin lang ng mga taong namamahala sa donation drive at relief operations at hindi na makarating sa mga kababayan sa Cebu na nangangailangan ng tulong.
Kaya naman post ng X user na si SZ Yummy, “Hi, Vice! Getting old in the Philippines is full of uncertainties. Tama ang sabi mo, tayo tayo na lang ang matutulungan. I am personally willing to help.
“But I wanted to give it through you. Ikaw lang at ang @angatbuhay_ph ang pinagkakatiwalaan ko sa bansang ito,” pahayag pa niya at sinang-ayunan naman ng netizens.
Ni-repost naman ito ni Vice sa kanyang X account at may caption na, “Nakakaiyak. I will humbly accept your help for the Madlang People. Malaking bagay yan.
“Di po namin tatanggihan. I will DM you for details. Makakaasa kang mapupunta sa malinis na kamay ang tulong mo. Maraming salamat!”
Bukod kay Vice, marami pang celebrities ang nagpaabot ng kabilang tulong tulad nina Vina Morales, Kim Chiu at Paulo Avelino, Zsa Zsa Padilla, Shaina Magdayao, Barbie Forteza, Slater Young, BINI’s Aiah Arceta, Janine Berdin, Manilyn Reynes, Melai Cantiveros at marami pang iba. (ROHN ROMULO)