• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 3:14 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PANININDIGAN NI PBBM LABAN SA KORAPSYON , PAG-ASA NG BAYAN

PINURI ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang matatag na paninindigan laban sa korapsyon at kapabayaan sa pamahalaan.

Ayon kay Goitia, ang mga hakbang ng Pangulo ay hindi lamang pagpapatupad ng reporma kundi pagbabalik ng dangal at moralidad sa pamamahalan.

Paliwanag ni Goitia na para sa Pangulo, ang bawat piso sa pambansang badyet ay dapat maramdaman ng mga pamilyang Pilipino at hindi malustay sa red tape o maling paggamit kaya binuo niya ang Independent Commission for Infrastructure upang imbestigahan ang mga iregularidad sa mga proyekto ng flood control at iba pang imprastraktura.

Binigyang-diin pa ni Goitia na ang mga repormang gusto ng Pangulo ay hindi lamang mga pangako kundi mga konkretong hakbang tungo sa tunay na pagbabago.

Dagdag pa ni Goitia hinggil sa pahayag ng Pangulo na walang perang nasasayang ay hindi ito sa badyet kundi tungkol ito sa pagpapahalaga ng tama na ang bawat sentimo ay may halaga.

Ayon pa kay Goitia, ang tunay na labanan ay hindi sa pagitan ng mga pulitiko kundi laban mismo sa korapsyon, kawalang-kakayahan, at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Binalewala rin ni Goitia ang mga ingay at intriga na ang layunin ay paghiwa-hiwalayin tayo, gayunpaman mulat na ang Pilipino at alam na nila ang tunay na nagtatrabaho.

Nanawagan si Goitia sa lahat ng Pilipino na magkaisa sa likod ng Pangulo at ng kanyang adbokasiya para sa tapat na pamamahala.

“Hindi lang numero ang inaayos ni Pangulong Marcos. Ibinabalik niya ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. Ganito muling aangat ang bansa, hindi sa ingay at pagkakawatak-watak, kundi sa pagkakaisa, integridad, at malasakit. Mas matatag ang Republika ngayon dahil may lider tayong pinipili ang tama, kahit mahirap gawin,” ayon kay Goitia. (Gene Adsuara)