Panawagang gawing zero ang unprogrammed appropriation sa 2026 budget, kinontra ng Malakanyang
- Published on October 9, 2025
- by @peoplesbalita
KONTRA ang Malakanyang sa hirit ng Akbayan Partylist na huwag pondohan ang unprogrammed appropriation sa susunod na taon.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang nasabing hirit gayung maraming nagiging programa ang pamahalaan.
Aniya, maraming puwedeng pag- ukulan ang unprogrammed appropriations gaya na lamang halimbawa sa panahon ng emergency cases.
Siniguro ni Castro na mababantayan din ang budget na nasa ilalim ng unprogrammed appropriations gayung hindi aniya ito agad-agad makukuha kung walang sapat na dokumento.
Paniniguro ni Castro, mapupunta sa tama ang 250 billion peso unprogrammed appropriation na siya mismong ginagawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa ilalim na din ng conditional implementation. ( Daris Jose)