• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:41 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagiging “angat” ni Remulla laban sa ibang kandidato bilang Ombudsman, ipinaliwanag ng Malakanyang

IPINALIWANAG ng Malakanyang kung bakit si outgoing Secretary of Justice Jesus Crispin “Boying” Remulla ang napili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong Ombudsman ng Republika ng Pilipinas.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez na nagkaroon at dumaan sa vetting process na nakaayon sa Saligang Batas si Remulla. Bukod pa sa dumaan ito sa “very rigorous process”, “selection process” na nagsimula sa Judicial and Bar Council (JBC).

Hindi naman sang-ayon si Gomez na si Remulla ang ‘most controversial’ sa hanay o sa shortlist na may petsang Oktubre 6, 2025 na naglalaman ng pitong alphabetical order na mga pangalan para pagpilian ng Pangulo, gaya nina Philippine Competition Commission chairperson Michael Aguinaldo, retired Court of Appeals Justice Stephen Cruz, Supreme Court (SC) Associate Justice Samuel Gaerlan, Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Anna Liza Logan, retired SC Justice Mario Lopez, at Sandiganbayan Associate Justice Michael Frederick Musngi.

“As I’ve said there is a vetting process which is provided for by our Constitution and our laws and he went through that very rigorous process…selection process which started with the JBC,” ani Gomez.

Sinabi pa niya na naging angat si Remulla sa iba dahil “At the end of the day after the president receives the recommendation of the JBC, it is still the decision of the president after he receives the shortlist.”

Samantala, sa pangamba naman ng iba na may kinikilingan si Remula, sinabi ni Gomez na “I don’t believe there is basis to that concern.”

“We have the highest confidence to Sec. Remulla. He will be very impartial when he assumes his new role as the Ombudsman,” ang pahayag ni Gomez. (Daris Jose)