PEKENG INSECTICIDES, NASAMSAM SA VALENZUELA
- Published on October 8, 2025
- by @peoplesbalita
NASAMSAM ng National Bureau of Investigation (NBI) ang libu-libong canisters ng counterfeit insecticides sa isang tindahan sa Valenzuela City.
Sa report ng NBI-Intellectual property Rights Division (NBI-IPRD) umabot sa P1,972,320.00 halaga ng pekeng insecticides na binubuo ng 13,412 na canister ng Bao Li Lai aerosol insecticides at 3,042 canisters ng Big Bie Lai aerosol insecticides.
Ayon sa NBI, nareklamo ang rehistradong may-ari ng nasabing trademaek dahil sa talamak na pagbebenta ng kanilang produkto .
Bilang tugon, nagsagawa ang NBI-IPRD ng survellaince at etst-buy operations ng ilang beses laban sa Eevry-Juan Shop sa Valenzuela City at ilan nitong bodega sa Tondo, Manila.
Nakumpirma ang illegal na akktibidad ng sangkot na establisimyento.
Agad ding ipinatupad ang nang makakuha ang NBI ng Search warrants mula sa Manila Regional Trial Court Branch 46 laban sa nsabing establisyimento at warehouse na nagresulta sa pagkakasamsam sa mga pekeng produkto.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang may-ari ng establisyimento para sa paglabag sa Section 155 na may kaugnayan s Section 170 ( Trademark Infringement) ng Republic Act No.8293 (intellectual Property Code of the Philippines). (Gene Adsuara)