• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 8:59 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hiniling sa LGUs na tumulong sa paglaban sa korapsyon, ibalik ang tiwala ng publiko

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes sa mga opisyal ng local government unit (LGU) na magsagawa ng sama-samang pagsisikap para labanan ang korapsyon at ibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Sa pagsasalita sa idinaos na oath-taking ng League of Cities of the Philippines (LCP) National Executive Board (NEB) at League of Municipalities of the Philippines (LMP) National Executive Officers sa Palasyo ng Malakanyang, hindi kaila sa Pangulo ang malawakang pagkadismaya sa ulat ng korapsyon sa gobyerno.

“Marami ring hamon ang kinakaharap ng ating bansa. Lahat tayo dismayado sa mga ulat ng katiwalian na nakikita natin sa pamahalaan,” ang sinabi ng Pangulo sa local chief executives.

Sa gitna ng mga hamon na kinahaharap ng bansa, binigyang diin ni Pangulong Marcos na hindi kukunsintihin ng kanyang administrasyon ang korapsyon at panloloko.

“Ngunit, malinaw ang ating adhikain. Sa Bagong Pilipinas, walang puwang ang korapsyon at ang pandaraya,” ang sinabi ng Pangulo sabay sabing “We must take responsibility to eradicate this abhorrent culture of corruption that poisons public trust and robs us of a better future.”

Sinabi ng Pangulo na naiintindihan niya ang hamon ng lokal na pamamahala, nagsilbi bilang gobernador ng Ilocos Norte governor, hiniling ng Pangulo sa mga lokal na opisyal na patuloy na magtrabaho para iangat ang buhay ng mga Filipino.

“Let us continue to do the work that changes millions of lives. Be testaments that public service can still be honest and hopeful,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. ( Daris Jose)