• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:32 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 4k prangkisa ng mga PUVs, rerepasuhin – LTFRB

REREPASUHIN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasa halos 4,000 prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan na pumapasada sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ang kanilang aksiyon ayon kay LTFRB chair Teofilo Guadiz ay tugon sa utos ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na silipin ang aktwal na operasyon ng 3,972 PUVs na may prangkisa sa naturang ruta.

Ayon kay Guadiz, layon ng pagbusisi sa naturang mga prangkisa na matiyak na nagagamit ng tama ng mga PUVs ang kanilang mga prangkisa para sa kaligtasan at kapakanan ng mga commuters.

Bibigyan naman ng show-cause order at pagpapaliwanagin ang mga prangkisa na matutukoy na hindi aktibo o hindi na bumibiyahe.
(Vina de Guzman)