• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 4:02 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbunyi ang mga Pinoy sa iba’t-ibang panig ng mundo: JESSICA SANCHEZ, tinanghal na grand winner ng ‘America’s Got Talent’ Season 20

NAGBUNYI ang mga Pinoy sa iba’t-ibang panig ng mundo nang itanghal na grand winner ang Fil-Am singer na si Jessica Sanchez sa “America’s Got Talent” Season 20.
Naka-one on one niya ang improv rapper na si Chris Turner, tinalo niya ito matapos makakuha ng pinakamataas na boto mula sa viewers ng programa.
Pinahanga nang husto ni Jessica ang mga judge ng “AGT” na sina Sofia Vergara, Simon Cowell, Mel B, at Howie Mandel, ganun din ang milyung-milyong manonood sa buong mundo, nang kantahin niya ang “Golden Hour” ng JVKE kasabay ang makapigil-hiningang aerial performance ng Sirca Marea.
Una na ngang pinabilib ni Jessica ang manonood nang kantahin niya ang “Die With A Smile” nina Bruno at Lady Gaga sa finals night.
At sa pagkapanalo niya bilang grand champion “AGT Season 20”, nakapag-uwi rin si Jessica ng $1-million prize.
Matatandaan na noong 2012, nag-join na rin si Jessica sa Season 11 ng “American Idol” kung saan nabigo siyang magwagi at nakuha niya ang second place.
Samantala, bago siya mag-perform para sa finals night, inamin ni Jessica na grabe ang nararamdaman niyang nerbiyos.
“I think I’m feeling all the feels. I’m definitely a little nervous. I am so close to my due date, so that’s a little crazy but I’m also super excited.”
Pagkatapos ng manalo sa AGT at mga interview, nag-post naman si Jessica na kanyang vlog at labis na pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya.
Panimula niya, “Oh my goodness, I can’t believed what just happened. This is crazy.
“I just want to thank you guys for everything, for voting for me and for believing in me. I love you guys so much.
“I also want to thank all the staff that has been helping me on AGT. They really took care of me, I’m nine months pregnant and they are so kind to me.”
Dagdag pasasalamat pa ni Jessica, “to the judges, and to Sophia, I feel like she really helps me get this far, with the golden buzzer. She really made that moment for me and I can’t thank her enough.
“And then Simon, I always to want to sing in front of Simon, ever since I was a little girl.
And tonight, he just showed me so much love, I mean through out the whole season. But tonight, he came to me and said, if I need I’m here for you and that means so much.”
Matatandaan nagkaroon ng grand comeback si Jessica sa AGT last July, na kung saan kinanta niya ang “Beautiful Things” ng Benson Boone at pinindot nga si Sofia ang golden buzzer.
Aabangan naman ang pagsisilang ni Jessica ng kanilang baby girl, kaya babalik muna sila ng asawa sa Texas.
Itutuloy pa rin niya ang singing career at kare-release lang ang single na “Two Lines” na tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Congrats Jessica!

***

MTRCB naglunsad ng isang pagsasanay tungkol sa Data Privacy

MATAGUMPAY na natapos ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Data Privacy Management Program nito noong Martes, Setyembre 23, na nagpapatunay sa matibay na pangako ng Ahensiya na pangalagaan ang personal na impormasyon at isulong ang responsableng pamamahala ng datos sa panahon ng digitalisasyon.
Nagbunga ang programa ng 23 bagong Data Privacy Champions.
Sa bilang na yan, lima ay lalaki at 18 ang babae. Sinanay sila para ipatupad ang mga pamantayan sa data privacy at matiyak ang pagsunod sa umiiral na Data Privacy Act of 2012 at iba pang mga polisiya.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto ang mahalagang papel ng mga Data Privacy Champions para mapanatiling ligtas, maaasahan at mapagkakatiwalaang Ahensiya ang MTRCB.
“Napakahalaga po para sa ating Ahensiya na tiyaking maayos, ligtas at protektado ang ating mga datos, lalo na’t karamihan sa ating mga transaksyon ay may kalakip na personal at sensitibong impormasyon,” sabi ni Sotto.
Pinuri naman ni KAT-C Business and Data Privacy Consulting Inc. CEO Atty. Krishna Aira Tana-Caguia ang inisyatiba ng MTRCB na palakasin ang data privacy ng Ahensiya.
“Ipinapaabot namin ang taos-pusong pagbati sa matagumpay na pagtatatag ng Data Privacy Management Program ng MTRCB,” sabi ni Tana-Caguia. “Ito ay isang malinaw na tagumpay sa MTRCB na nagpapakita ng kanilang pananagutan sa pagsunod sa Data Privacy Act of 2012 at ng kanilang pangako na protektahan ang personal na datos na kanilang pinoproseso habang ginagampanan ang kanilang mandato,” dagdag pa niya.
Kabilang sa programa ang presentasyon ng bawat Data Privacy Champions ng kanilang hakbang tungkol sa pagpapatupad ng mga risk treatment controls at mga pagpapabuti para mapalakas ang data privacy framework ng ahensya.
Ang inisyatiba ay nagpapakita ng dedikasyon ng Board na mailinya ang mga hakbang sa pambansa at pandaigdigang pamantayan pagdating sa pagprotekta ng datos.
“Ang maagap na hakbang ng MTRCB sa pagtatatag ng programang ito ay nagpapakita ng malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng data privacy sa panahon ngayon. Isa itong patunay sa dedikasyon ng Board upang matiyak na ang mga karapatan ng mga data subject ay napangangalagaan,” diin ni Tana-Caguia.

(ROHN ROMULO)