Malabon LGU, pinalakas ang kahandaan para sa bagyong “Opong”
- Published on September 26, 2025
- by @peoplesbalita
ALINSUNOD sa pangako nito na pangalagaan ang kaligtasan ng publiko at mabawasan ang panganib sa kalamidad, pinakilos ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval, sa pamamagitan ng Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Council (MCDRRMC) ang mga pangunahing departamento at mga tanggapan nito upang matiyak ang kahandaan sa mga posibleng epekto ng Tropical Storm “Opong.”
“Bawat bagyong dumaraan, bawat malakas na pag-ulan ay talagang nakakaapekto sa mga lungsod. Kaya tayo po sa Malabon ay naghahanda, nagtutulungan. Magkakasama po tayo sa pagsiguro ng kaligtasan ng ating mga kababayan. Mahalaga po para sa atin ang buhay ng bawat miyembro ng tahanan. Kaya makipag-ugnayan po sa atin kung may emergency,” ani Mayor Jeannie. (Richard Mesa)