PNP handa sa disaster response sa bagyong Opong – Nartatez
- Published on September 26, 2025
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na nakahanda na ang kapulisan para tumulong sa disaster response measures kasunod ng pananalanta ng super typhoon “Nando” at sa kasalukuyang pananalasa ng bagyong “Opong”.
Sinabi ni Nartatez na inalerto na niya ang lahat ng police units sa mga lugar na posibleng maapektuhan ni “Opong” kabilang ang Bicol Region, Southern Luzon at ilang bahagi ng Visayas, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
“I have already directed the RDs (regional directors) in areas affected by super typhoon “Nando” to assist in the post-disaster assessment and response in order and make all resources available to assist the communities severely affected,” ani Nartatez.
“I also instructed all our commanders in the southern part of Luzon and the Visayas to prepare for “Opong” in coordination with the local government units (LGUs) and other local authorities,” dagdag niya.