• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, tiniyak na walang banta sa buhay ni PBBM

WALANG banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang matapos tanungin kung may banta sa buhay ng Pangulo dahil kapansin-pansin ang ‘no public engagements’ nito sa nakalipas na mga araw.

Ang sinabi ni Castro, sunod-sunod ang naging private meetings ng Pangulo kaya hindi ito naging visible sa publiko.

Huling nakita ng publiko si Pangulong Marcos, araw ng Sabado nang personal na bisitahin ng Chief Executive ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Manila. Pinangunahan din nito ang ceremonial launch ng white-colored Beep cards para sa mga estudyante sa Legarda Station ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ito ang araw bago ang dalawang major September 21 rally na isinagawa sa Metro Manila sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa maling paggamit ng bilyong piso para sa flood control projects.

Kamakailan, sinabi ni Castro na naka-monitor ang Pangulo sa weather situation sa bansa sa gitna ng bansa ng Super Typhoon Nando. ( Daris Jose)