Ayaw nang sumagot tungkol sa isyu ng pulitika: CARLA, galit at gustong ipakulong ang lahat ng animal abusers
- Published on September 25, 2025
- by @peoplesbalita
MAY mga nais ipakulong si Carla Abellana.
“Pero more on… para safe po tayo, yung mga animal abusers,” bulalas ni Carla.
“Iyan po ang aking focus. Naku po! Araw-araw po iyan. “Naku, napakadami po! Nagkalat.
“Ah, of course, merong Animal Welfare Act. Alam po natin iyan, na may rights po ang animal.
“And hindi man po natin alam lahat, pero every day meron din pong injustice na nangyayari when it comes to animal welfare.”
Kaya wish na lang niya, “So sana, lahat po sila, makulong! Sana, lahat po sila, magbayad ng multa.
“Minsan, pangit man po sabihin or isipin na kung paano nila inabuso yung hayop, sana, ganoon din po ang mangyari sa kanila.
“Mga ganoon pong bagay. So, marami pong animal abusers.
“Sa politics, iba na lang po ang sasagot doon.”
Leading lady si Carla sa pelikulang’ Selda Tres’ kasama sina pati sina Cesar Montano at JM de Guzman sa direksyon ni GB Sampedro.
Isa ito sa limang full-length films na entry sa 7th Sinag Maynila filmfest na idaraos sa September 24-30, 2025. Ipalalabas ito sa Gateway, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, SM Mall of Asia, SM Fairview, Trinoma, at Market Market.
Nasa cast din ng ‘Selda Tres’ sina Arron Villaflor, Kier Legaspi, Victor Neri, Isay Alvarez, Perla Bautista, Jeffrey Tam, Tanjo Villoso, at Johnny Revilla.
Mula ito sa Five 2 Seven Entertainment Production, sa panulat ni Eric Ramos, with executive producers GB Sampedro at Alex Rodriguez.
Ang gala screening ng ‘Selda Tres’ ay gaganapin sa September 26, 7:00 PM sa Gateway Cineplex 18.
***
NAKABUBUHAY ng pag-asa sa magulong bansa ang bagong kanta ni Timmy Cruz na pinamagatang “Magbago”.
Maituturing ang awitin bilang panawagan para sa pagbabago na kailangang-kailangan natin ngayon sa gitna ng krisis at problema.
Ito ay awit tungkol sa bawat isa sa atin; na tayong lahat ay susi para sa pagbabago.
Kung sisimulan muna natin ang pagbabago sa sarili natin mismo, magiging ehemplo tayo para sa iba upang magbago na rin.
Ito mismo ang personal na karanasan ni Timmy. Nang nagpokus siya sa pagmamahal sa sarili at pagpapabago ng kanyang sarili para sa kanyang mas ikabubuti at ikauunlad, naging mas mabuting bersyon siya ng kanyang sarili.
“Checking and changing myself has become my beautiful way of life. As we check ourselves and change ourselves, others change and life gets better. I’m inviting you to check and change yourself so that together we can build a better Philippines, a better world with the help of Our Creator, Our Father,” pahayag ni Timmy.
Ang “Magbago” ay paanyaya para umpisahan natin ang pagbabago sa ating mga sarili. Tayong lahat ang susi ng pagbabago. Ito ang karanasan ni Timmy.
Nang nagbago siya, nagbago ang mga nakapaligid sa kanya. Nag-focus siya sa pag-aalaga sa kaniyang sarili mula sa panloob hanggang sa panlabas.
Ang “Magbago” ay sa musika at titik mismo ni Timmy at sa areglo ni Dominic Benedicto.
Available ito sa lahat ng music streaming platforms tulad ng Spotify, Apple Music, iTunes, Youtube Music, Amazon Music, Tidal at iba pa.
(ROMMEL L. GONZALES)