P255-B reallocation mula sa DPWH budget, tinalakay
- Published on September 24, 2025
- by @peoplesbalita
TINALAKAY ng House Committee on Appropriations, sa pamamagitan ng Budget Amendment and Review Subcommittee (BARSc), ang panukalang P255.53-billion reallocation mula sa original budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).Ayon kay Committee chair at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing, ang naturang pondo ay ililipat sa education, health, agriculture, labor at iba pang human capital programs kasunod na rin sa direktiba ni Pangulong Marcos na gawing zero ang alokasyon sa bagong flood control projects.
Sinabi ng mambabatas na nais nilang masiguro na ang gagawing paglilipat ng badyet ay tutugon sa pangangailangan ng publiko.
Ito aniya ang unang pagkakataon sa proseso ng budget na i-realign ng komite at at i-reallocate ang P255 bilyong pondo bago simulan ang debate sa plenaryo.
Nilinaw naman ni Suansing na ang aaksyunan lamang ng BARSc ay ang institutional amendments na may formal written requests mula sa ahensiya at tanging mga proposals mula sa BARSc members ang ikukunsidera.
“We do not accept verbal requests, we do not accept even if it was manifested during committee deliberations,” pahayag nito.
(Vina de Guzman)