Navotas, nakiisa sa International Coastal Cleanup Day
- Published on September 24, 2025
- by @peoplesbalita
NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa International Coastal Cleanup Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng simultaneous cleanup activities sa buong Navotas.Mahigit 700 volunteers mula sa iba’t ibang ahensya at organisasyon, at mga kawani ng barangay ang nagtulong-tulong sa paglilinis kung saan umabot sa 200 sako o 1.5 tonelada ng basura ang nakolekta, karamihan sa mga ito ay plastic bags, straw, at food wrappers.
Nagpaalala naman si Mayor John Rey Tiangco sa lahat itapom nang tama ang mga basura at iwasan ang single-use plastics para mapangalagaan ang karagatan.
Aniya, ang ICC ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program, na nagtataguyod ng malinis na kapaligiran at nagpapanatili ng pamumuhay para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon. (Richard Mesa)