• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:19 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

September Twenty-One People’s Movement Againts Corruption at Iba’t Ibang Pro-BBM Groups Nagsagawa Ng Anti-Corruption Peace Rally

NAGSAGAWA ng Anti-Corruption Peace Rally ang SEPTEMBER TWENTY-ONE PEOPLE’S MOVEMENT AGAINTS CORRUPTION o STOP Corruption mula sa iba’t ibang mga makabayang samahan at ng Pro-BBM groups tulad ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY Movement), Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Liga Independencia (LIPI), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADERngDemokrasya), Kabataang Manunulat at Artista para sa Sining at Kultura (KaMaSKaRa), Alyansa ng Kabataan sa Komunidad (AKK), Cavite Runners for West PH Sea, Samahan ng Maralita sa Parola Binondo, Parola Youth, KARAMAY, BBM Calamba Warriors, at PBBM Inc. sa kahabaan ng Nicanor Reyes Street., Sampaloc, Lungsod ng Maynila at nagmartsa patungong Mendiola, upang ipakita ang suporta sa sambayanang Pilipino at kay Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. laban sa katiwalian sa mga palpak at “Ghost” Flood Control Projects.

 

Ayon sa pahayag ng grupo, nagbibigay pugay sila kay Pangulong Marcos Jr. sa kanyang matapang na hakbang sa pagsisiwalat ng mga palpak at “Ghost” Flood Control Projects at lubos ang tiwala nila sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para mag-imbestiga at magpanagot sa lahat ng sangkot sa katiwalian sa Flood Control Projects at iba pang imprastraktura ng pamahalaan.

 

“Kinikilala namin at nagbibigaypugay sa naging matapang na hakbang ni PBBM sa pagsisiwalat ng malalang korapsyon ng mga Flood Control Projects sa iba’t ibang lugar ng bansa at nasangkot ang mga opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH), private contractors, at ilang mga mambabatas sa kongreso,” Pahayag ni Giselle Albano, tagapagsalita ng grupo.

 

“Kami, ay buong-buo ang suporta at tiwala kay PBBM sa pagbuo ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang malalim na mag-imbestiga at magpanagot sa lahat ng sangkot sa palpak at “Ghost” Flood Control Projects at imprastraktura ng pamahalaan na dapat sana ay nagliligtas ng mga buhay at ari-arian ng mamamayang Pilipino. Tulong-tulong tayo, labanan at tapusin ang katiwalian. Panagutin, ikulong at pagbayarin ang lahat ng mapapatunayang sangkot sa pagnanakaw ng pera ng bayan,” dagdag niya.

 

Sama-samang pinagpapalo at winasak ng grupo ang effigy, paldong kurakot na sumasagisag ng pagpapanagot sa mga kurakot na politiko, opisyales ng gobyerno at mga kasabwat na kontratista. At sa pagtatapos ng programa, nag-alay ng dasal ang grupo para sa kapayapaan ng sambayanang Pilipino. (PAUL JOHN REYES)