• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:04 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aktres, binansagang ‘Patron Saint of Concerned Citizens’: CESAR, bilib na bilib sa mga pahayag at opinyon ni CARLA

SA panahon ngayon ng matinding kaguluhan sa ating bansa at gobyerno, sa mga nagaganap na nakawan at korapsyon, pasok sa banga ang pelikulang Selda Tres nina Cesar Montano, Carla Abellana, at JM de Guzman, sa direksyon ni GB Sampedro.
Tungkol ang pelikula sa katotohanan at katarungan, na isa sa limang full length films sa 7th Sinag Maynila filmfest.
Bilib na bilib si Cesar sa mga pahayag at opinyon ni Carla na ngayon ay binansagan ng mga netizens bilang “Patron Saint of Concerned Citizens.”
“There’s so much truth about what she was saying. Totoo naman iyon, totoo yung sinasabi niya,” saad ni Cesar.
“And nakakatuwa yung ginawa siyang ‘Patron Saint,’ at saka to fight for righteousness is what we need to do.
“You have to fight for righteousness kahit ano pang mangyari sa iyo. A very good example to that is Charlie Kirk.”
Polarizing umano ang pananaw ng American political activist na si Charlie na na-assassinate nito lamang September 10, sa Utah at ngayon ay itinuturing icon ng modern American conservatism.
“Yes, polarizing din yun, of course. But siyempre, faith yun. Faith yun,” sambit ni Cesar. “But, of course, yung righteousness, makukuha mo naman yun, e.
“Sa ating great God naman galing lahat iyan. Doon nagsimula iyan. So, yun.”
Sa kaliwa’t kanang nakawan umano ngayon sa ating gobyerno, ano ang nadarama ni Cesar bilang isang Pilipinong nagbabayad ng tax?
“Sa aking mga nasagap at natutunan… ah, tayo kasing mga Pilipino, sa nangyayari ngayon, this is the product of our kabaitan.
“Masasabi kong kabaitan. Alam mo, pag sobra kang mabait, masama. Lahat ng sobra, masama.
“Ang Pilipino, mabait. Kaya lang, sumobra. Inano natin, kinunsinti natin yung kamalian.
“Why am I saying this? I’m pretty sure, sasang-ayon kayo na marami sa ating mga leaders, hindi sila dapat mga leaders.
“Because they cannot lead with righteousness, correct? Pero sino ang nag-upo sa kanila? Tayo.
“So, do you hear in some provinces, minsan pa nga, nagko-compare pa iyan pag eleksyon, ‘Magkano ang kinita mo? Magkano ka binayaran?’
“We are selling our souls… we are selling our souls for how many years?! Five years lang ba, ten years lang ba?
“No! Longer than that! Naging kultura na natin ito. Hindi ito minsanan lang—kultura.
“Ugali na natin. Ang hirap tanggalin pag sinabi mong, ‘Uy! Huwag kang…’ Lalo na ang mga mahihirap, nasa probinsiya iyon.
“Pag sinabi mong huwag ibenta, tapos may offer sa kanya, ang boto niya, P10,000. Isang boto mo. ‘Pambiling bigas na ito saka ano,’ di ba?
“Of course, these voters, thinking about kung ano ang kakainin nila ngayon at bukas.
“But they’re not thinking kung ano ang magiging future ng anak nila at ng apo niya. Nandidito lang tayo sa araw na ito, e.
“Dapat kasi, iniisip natin kung ano ang magiging future din ng anak o apo natin.
“We should not, never… sell our votes. Next time po, sana sa susunod na eleksyon talaga.
“At the same time, above everything, this country needs healing. Kailangang gamutin ito.
“And according to the Scripture, we should humble ourselves and pray together.
“Ano ito, sakit. Sakit ng bansa natin ito. We should humble ourselves and pray na sana, ma-heal itong bansa natin at magbago tayo ng disposisyon sa buhay.”
Samantala nasa cast din ng Selda Tres sina Arron Villaflor, Kier Legaspi, Victor Neri, Isay Alvarez, Perla Bautista, Jeffrey Tam, Tanjo Villoso, at Johnny Revilla.
Mula ito sa Five 2 Seven Entertainment Production, sa panulat ni Eric Ramos, with executive producers GB Sampedro at Alex Rodriguez.
Ipapalabas ang mga kalahok sa 7th Sinag Maynila sa Setyembre 24-30, 2025, sa Gateway, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, SM Mall of Asia, SM Fairview, Trinoma, at Market Market.
(ROMMEL L. GONZALES)