• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:55 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakiusap sa kanyang fans na i-mass report: WILL, nabiktima rin sa pangha-hack ng social media account

NA-HACK ang X (dating Twitter) account ng Kapuso actor na si Will Ashley.
Kaya naman may panawagan ang tinaguriang “nation’s son” tungkol nga sa isa niyang social media account.
Agad ngang ipinabatid ni Will sa madlang pipol ang nangyari sa kanyang Instagram story.
“Please mass report my X account. Nahack po. Thank you,” sabi ng aktor na nag-celebrate lang ng kanyang 23rd birthday last September 17.
Agad ding kumilos ang fandom ni Will para ipakita online tungkol sa nangyari sa kanyang X account.
Sa kabila ng malungkot na pangyayari ay inuulan naman ng blessings ang Kapuso actor.
Kasama si Will sa dalawang pelikula, ang “Bar Boys: After School” at “Love You So Bad”.
Kaka-announce lang na bahagi rin siya ng newest collab serye na “The Secrets of Hotel 88” at tuloy na tuloy ang solo concert sa October 18, na balitang halos sold out na.
***
Surety Bond ng DigiPlus at PhilFirst, Inilunsad
INULUNSAD na ng DigiPlus Interactive Corp., ang premier digital entertainment company sa likod ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone, at ng Philippine First Insurance Company (PhilFirst), ang first domestic insurance company sa bansa, ang kauna-unahang surety bond program sa Pilipinas na magsisilbing karagdagang seguridad at kaligtasan sa mga online gaming player.
Kaya tuluy-tuloy lang ang saya sa BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone, casual gamer man o isang loyal fan, nang walang takot at agam-agam dahil ang wallet at pondo sa app ay protektado ng nasabing surety bond.
Karagdagang proteksyon ito na pampinansyal, umaabot hanggang sa ₱1 million bawat manlalaro ang sakop ng surety bond na ito nang walang karagdagang gastos sa mga player.
Ang maganda pa, libre at magagamit agad ang surety bond mula sa DigiPlus at PhilFirst  sa oras na mag-log in at maging verified ang electronic Know-Your-Customer (eKYC) registration ng isang player. Kailangan lang siguraduhin na updated ang impormasyon at sumusunod ayon sa pamantayan ng platform para maging eligible player.
“Ipinagmamalaki namin na una ang DigiPlus pagdating sa pagbibigay ng ganitong antas ng proteksyon para sa konsyumer,” ayon kay DigiPlus Chairman Eusebio H. Tanco.
“Kami ay committed na unahin ang kapakanan ng aming mga player. At sa surety bond, mas mae-enjoy ang paglalaro sa BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone, dahil alam mong protektado ang inyong pondo.”
Eh paano nga gumagana ang surety bond ng DigiPlus?
Dapat e-KYC-verified ang mga player, nakapagdeposito ng kahit isang beses, at sumusunod sa alituntunin ng platform.
Pinoprotektahan ng surety bond ang balanse ng manlalaro hanggang ₱1 milyon.
Ang proteksyon ay agad na magkakabisa at awtomatikong mag-a-apply para sa lahat ng eligible player ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone.
Sa bagong surety bond program, mas pinatibay ang commitment ng DigiPlus sa paghahatid ng maaasahang customer service at proteksyon sa mga player, dagdag pa sa sa 24/7 customer support at mahigit 130 BingoPlus physical store sa buong bansa na convenient at pinagkakatiwalaan ng mga manlalaro.
Patuloy rin na itinataas ng DigiPlus ang pamantayan ng gaming industry, hindi lamang sa paghahatid ng exciting at makabagong games, kundi lalo na sa pagpapalakas ng tiwala, proteksyon, at kapanatagan ng mga customer.
 (ROHN ROMULO)