• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:20 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit patuloy na nali-link kay Jameson: BARBIE, ‘di direktang sinagot kung sino ang lalaking nagpapasaya

“PLEASE be kind to me.”
Ito ang nakangiting pakiusap ni Barbie Forteza sa kanyang fans, na kilala bilang Barbienatics, nang makasama niya ang mga ito sa “Pasabog na Chika” ng ‘All-Out Sundays’ nitong Linggo, September 14.
Sa segment na ito ay nagkaroon ng pagkakataon ang avid fans ni Barbie na makalaro siya at matanong ng juicy questions.
Pagkakita sa mga maglalarong fans, sabi ni Barbie, “Naku, yung mga pinili ninyo, my God, masyado nila akong kilala. Bakit sila? Bakit?!”
Paalala pa niya, “Guys, live ‘to ha.”
Para sa unang pagkakataon, tinanong ng fan na si Yen, “Barbie, since you are in your running era, ang tanong namin, e, kung tatakbo ka, sino ang gusto mong makita agad pagtawid mo sa finish line, na isang lalaking hindi mo kadugo?”
Natawa ang ‘Beauty Empire’ actress, “Gusto ko yung nilinaw niya yung isang lalaking hindi ko kadugo kasi baka daddy ko nga naman ang isagot ko. Ang brainy.”
At sumagot siya, “Siyempre, lahat ng katakbo ko para lahat kami mag-celebrate talaga sa effort na tumakbo. Hindi lang lalaki, pati nanay, tatay, gusto mo tinapay.”
Ang sumunod na fan, tinanong si Barbie kung sino ang pinakatumatak sa mga kontrabidang nakatrabho niya.
Sagot ni Barbie, “Naku, napakarami, pero yung pinakauna na lang, si Ms. Jean Garcia, sa ‘Stairway to Heaven.’”
Samantala, nabanggit ni Barbie sa isa pa niyang fan, “Feeling ko nasa ano ako ngayon, nasa Lover Era.”
Nang maghiyawan ang audience, agad niyang sinabi, “In general! Di ba, may kantana,” pero agad siyang pinigilan mag-explain.
“Ah walang explanation? E di walang explanation!” sambit niya.
Mas juicy pa ang naging tanong ng sumunod na fan: “Totoo bang may nagpapasaya sa ‘yo ngayon na JB?” (Na alam naman ng lahat na si Jameson Blake)
Hindi ito direktang sinagot ni Barbie. Sa halip, sinabi niya, “Masarap maging masaya!
***
NAGBABALIK ang Miss Universe 2023 duo nina Michelle Dee at Anntonia Porslid na #PorDee.
Muling mapapanood ang pagbida nina Michelle at Anntonia sa ilang TikTok videos, suot ang kanilang signature bathrobes at nasa loob ng banyo, katulad ng mga dati nilang entries sa platform.
“Bathroom TikToks are back, baby! Michelle is way too cool for me,” sulat ni Anntonia sa caption ng kaniyang video.
Sa ngayon ay may tatlong videos na na-post ang dating Miss Universe 2023 beauty queens. Dalawa sa TikTok account ni Michelle, at isa naman sa account ni Anntonia.
Ginawa nila ang “Pogi” craze, at dalawang dance challenges sa pagbabalik ng kanilang Bathroom TikToks.
Unang nakilala ang #PorDee duo nila noong makabuo ng close bond at friendship sina Michelle at Anntonia nang lumaban sila para sa korona ng Miss Universe 2023. Nagtapos ang Kapuso star sa Top 10, samantalang ang Thai model naman ang nakakuha ng first runner-up.
Sa isang panayam kay Anntonia, pinasalamatan pa niya ang Sparkle star para sa amazing friendship na nabuo nila.
“This bond that we’ve created that has united not only the fans around the world, but the Filipino and Thai fans instead of fighting each other,” sabi ni Anntonia.
Lalo pang ikinatuwa ng fans nang magbahagi si Michelle ng ilang litrato nila ni Anntonia sa kaniyang Instagram account.
Kamakailan lang ay muling nagkita sina Michelle at Anntonia sa isang event ng designer na si Mark Bumgarner. Nandoon din ang kapwa aktres niya na si Kylie Verzosa, dating beauty queen Pia Jauncy, Thai actress-model Davika Hoorne, at celebrity photographer na si Mike Gella.
***
PUMANAW na sa edad na 89 ang isa sa legendary Hollywood leading men na si Robert Redford. Binawian ng buhay ang aktor sa kanyang tahanan sa Sundance, Utah.
Hindi lang siya isang actor kundi isa ring director, producer at founder ng Sundance Film Festival kunsaan sinusuportahan niya ang mga independent film producers.
Nakilala si Redford sa mga pelikulang Barefoot in the Park, All the President’s Men, The Great Gatsby, Out of Africa, Butch Cassidy and the Sundance Kid, Up Close and Personal, The Candidate and The Way We Were. Nanalo siya ng Oscar best director para sa pelikulang Ordinary People in 1980.
Nakilala si Redfiord ng Gen Z dahil sa paglabas niya sa dalawang Marvel Films as  Alexander Pierce: Captain America: The Winter Soldier (2014) and Avengers: Endgame (2019).
 
(RUEL J. MENDOZA)