Isinusulong ni Solid North Party-list Rep. Ching Bernos ang pagbuo ng Green Industrial Zone Program
- Published on September 20, 2025
- by @peoplesbalita
MALINIS na enerhiya at matatag na industriya para sa proteksyon ng kapaligiran at pagbibigay trabaho sa lahat.
Ito ang pangunahing layon ni Solid North Party-list Rep. Ching Bernos sa isinusulong nitong pagbuo ng Green Industrial Zone Program upang mapanatili ang paglago lalo na sa mga lugar sa bansa na hindi pa gaanong maunlad.
Sa pamamagitan ng House Bill No. 3112 o Green Industrial Zone (GIZ) Program bill, umaasa si Bernos na maisusulong ang daan tungo sa pag-unlad kasabay nang pagbibigay proteksyon sa kapaligiran.
“The GIZ program provides us with a framework that promotes regionally balanced industrialization consistent with global goals for decarbonization, ecological preservation, and green job creation,” ani Bernos.
Ayon sa mambabatas, hindi tulad ng traditional industrial zones na nagiging sanhi ng polusyon, extractive business models, at marginalization ng host communities, pagsasamahin ng GIZs ang clean technologies, circular economy practices, renewable energy use, at local labor empowerment.
Sa ilalim ng panukala, ang GIZs ay maglalaan ng strategic locations sa bansa lalo na sa mga underdeveloped regions para sa potensiyal na paggamit ng renewable energy at green entrepreneurship.
Maaari aniyang ilagay ito sa rehiyon ng Northern Luzo, kabilang ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at katabing probinsiya kung saan ang local industries tulad ng bamboo processing, agro-industrial manufacturing, eco-textiles, solar assembly, at sustainable packaging ay maglalaan ng mataas na potensiyal para sa pag-unlad.
Ayon pa sa mambabatas, “gusto natin na mapalago pa lalo ang mga umuusbong na industriyang ito hindi lang sa Northern Luzon, kundi pati na rin sa ibang rehiyon.”
(Vina de Guzman)