• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:05 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Budget deliberation, “on track” pa rin sa gitna ng pag-uga sa Kongreso-DBM

KUMPIYANSA ang Department of Budget and Management (DBM) na mananatiling “on track” ang deliberasyon ng 2026 national budget sa gitna ng pagbabago sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Umaasa si Budget Secretary Amenah Pangandaman na susunod ang bagong liderato ng Kongreso sa itinakdang legislative calendar.
“Of course, we don’t want (a re-enacted budget). On-track naman sila, tuloy-tuloy naman ang budget deliberation natin,” ayon sa Kalihim.
Sa ulat, pormal nang nagbitiw si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez bilang lider ng House Speaker. Sa botong 253, nasungkit ni Isabela 6th District Rep. Faustino “Bojie” Dy ang posisyon bilang bagong House Speaker.
Sinabi ni Pangandaman na imo-monitor ng DBM kung paano tutugunan ng House deliberations ang pagkakatapyas sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang posibleng epekto nito sa infrastructure spending targets.
“Hindi pa namin na-compute sa target na 5 to 6 percent (of GDP), siguro tingnan muna natin kung anong mangyayari sa budget deliberation kung ano ‘yong effect,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.
Aniya, saklaw ng infrastructure budget ang “hard” at “soft” components, gaya ng konstruksyon ng school buildings.
Nauna rito, tinapyasan ngP255 billion ang panukalang budget ng DPWH para sa locally-funded flood control projects.
( Daris Jose)