• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:19 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, personal na binisita ang ‘Walang Gutom Kitchen,’ ipinag-utos ang mas maraming food banks laban sa kagutuman

PERSONAL na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Walang Gutom Kitchen (WGK) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Pasay City.
Tumulong sa pagse-serve ng pagkain at nakiisa sa mga benepisaryo para sa pagkain bilang bahagi ng pagsusulong ng administrasyon na tapusin ang involuntary hunger.
Ang WGK ay nag- operate bilang community food bank at soup kitchen, magse-serve sa 600 walk-in clients sa araw-araw.
Ipinaabot din ang tulong sa pamamagitan ng Pag-abot program ng DSWD, learning activities sa ilalim ng ‘Tara, Basa!’, at case management services na kinabibilangan ng ‘assessment, intervention planning, at progress tracking’ para sa mga pamilyang walang tirahan.
Sa kabilang dako, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na in-inspeksyon ng Pangulo ang operasyon para bigyang-diin ang kanyang direktiba na walisin ang kagutuman sa “mission number one” ng ahensiya.
“The President wants us to open more food bank – soup kitchens nationwide to combat hunger,” ang sinabi ni Gatchalian.
Ang Pasay kitchen ay ‘first of its kind’, kung saan si Unang GInang Liza Araneta-Marcos ang first volunteer nito.
Kasalukuyan itong nagbibigay ng komprehensibong biopsychosocial services, kabilang na ang “nutritious meals, tutoring for children, at tailored support for families in crisis.”
Mula nang ilunsad ito, nakapagsilbi na ang programa sa 108,552 indibiduwal at nakapagbigay ng 152,959 meals ‘as of Sept. 17’ ayon sa DSWD. ( Daris Jose)